Chapter 14 ILANG TUBIG NA RIN ang nainom ko. Halos nalibot ko narin ang buong hall na kinaroroonan ko. May ilan rin akong mga nakausap at okay naman sila, ang iba nga lang mga matapobre at grabe kung makatingin. Pero hindi ko na lamang sila pinapansin. Bumalik ako sa loob ng bulwagan at sinipat ang paligid ng hall. Napahinga ako ng malalim nang hindi ko pa rin ma sipat si Nido. Halos isang oras na rin akong naghihintay rito pero wala pa rin siya. Napatingin ako sa room na itinuro niya kanina. Luminga-linga ako sa paligid bago ako tumungo roon. Marahan kong binuksan ang pinto at sumalubong sa akin ang sigawan at iba’t ibang klaseng ilaw na sumasayaw tulad ng sa kabila. Pero mas engrande dito. Naamoy ko ang mga usok ng sigarilyo at amoy ng alak. Gumapang bigla ang kaba sa aking dibd

