Chapter 11 DATE. Iyon agad ang pumasok sa isipan ko pagkarating sa condo ni Nido. Hindi ko alam kung saan ako tutungo sa mga oras na iyon. Lalo pa’t tawang-tawa siya na nakasunod sa aking likuran. Kagagaling lang namin sa paradise na sinasabi niya. At ngayon kakarating lang naming dalawa sa condo unit niya. Halos gusto kong mainis dahil hanggang ngayon inaasar niya pa rin ako. Mabilis akong pumasok sa silid na ibinigay sa akin. Agad kong isinara ang pinto at ini-lock. Rinig na rinig ko pa rin ang asar niya sa akin at ang tawa niyang nakakainis. Sukat ba naman kasi asarin akong nahuhumaling sa kaniya kaya niyakap ko raw siya habang nag-d-drive siya ng motor. Siya ang nag-utos sa akin no’n! Tinakot niya akong baka mahulog ako kaya naman, no choice, yumakap ako sa katawan niya! Pero iyo

