Chapter 7
AGAD AKONG lumabas ng elevator nang tumunog na ito at bumukas. Hindi pa rin naaalis ang mga ngiti ko sa aking mga labi. Parang nasa ulap ako na nakalutang. Hindi ko alam pero bakit ganoon na lamang ang epekto sa akin ni Nido? Nagugustuhan ko na ba siya? Ganoon na lamang ba iyon kadali ang lahat?
Tuluyan na akong lumabas ng Condominium Building at nilakad na ang mahabang kalsada ng Nestle Village. Malayo pa ang gate no’n at mukhang kalahating oras ko pa lalakarin. Napangiwi ako sa isiping iyon.
“Oh, this is s**t!” Napatigil ako sa aking paglalakad nang marinig ang boses na iyon ni Nido.
Agad akong napalingon at kitang-kita ko kung paano siya hinihingal ng malalim. Nanlalaki ang aking mga mata nang makita ang ayos niya. Iyong suot pa niya kanina na sando t-shirt at boxer short niya. Kitang-kita ko ang bakat doon. Oh, s**t! Nakapaa pa siya. Halos gusto kong matawa dahil sa ayos niya.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at napahinga ng malaim nang walang makitang tao. Agad akong lumapit sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito? Tapos bakit ganiyan ang suot mo?”
He stop from cursing and he stared at me confusedly. He grabbed my wrist and pull me to him. Ganoon na lamang ang pag-awang ng mga labi ko nang tumama ang mukha ko sa matipuno niyang dibdib. Agad niya akong niyakap at hinalikan sa aking ulo. Napapikit ako ng mariin. s**t!
“I am sorry, miss beautiful. I’ll drive you home. Let’s go,” mahinahon na niyang sabi sabay pakawala sa akin at hinila ulit ako.
“Pero—”
“No buts, miss beautiful. Let’s go.”
Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod na lamang sa kaniya pabalik sa condominium building. Tumungo siya sa parking lot. Napatitig ako sa kaniyang likuran, hindi ko maiwasanang mapahanga sa hubog ng kaniyang katawan. His masculine body. Sunud-sunod ang aking paglunok.
Nagsiliparan ang mga paro-paro sa aking tiyan at ang lakas ng kabog ng aking puso. Lalo na’t nang lumingon siya sa akin para tawagin ako. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Pero kahit na ganoon ang lakas ng epekto niya sa akin. Bigla akong napipilan at sunod-sunuran na lamang sa kaniya.
Dumako ang aking tingin sa motor bike na nakaparada. Biglang uminit ang pisngi ko.
“Lets go, miss beautiful.”
Unti-unti akong humakbang papalapit sa kaniya. Napalunok ako ng aking sariling laway nang maramdaman ang presensya niya sa aking tabi. s**t! Anong nangyayari sa akin?
“What? Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakakasakay ng motor? Kakasakay mo lang rito kanina, it should be your second ride with me.”
“Ah, no. Lets go.” Ilang kong sagot sa kaniya.
Tumango naman siya at sumakay ng kaniyang motor. Pinadyakan niya iyon at agad na namayani ang ugong niyon sa paligid ng parking lot. Napapikit ako ng mariin saka napamulat rin.
“N-nido? Ganyan lang ba talaga ang suot mo? Hindi ka kaya niyan pagtitinginan ng mga tao?”
Lumingon siya sa akin sabay ngisi. “Sila ba talaga ang inaalala mo? Or, ikaw?”
“H-huh?”
Mas ngumisi pa siya sa akin nang maging tulero ako dahil sa kaniyang sinabi. Napa-sigaw ako bigla nang hilahin niya ang dalawa kong kamay saka iyapos iyon sa kaniyang bewang. Napalunok ako ng sunod-sunod nang mahawakan ko ang kaniyang matipunong katawan. Oh! s**t! Ang tigas!
“Huwag kang mailang, miss beautiful. Para lang sa ‘yo ang katawan kong ‘to. And if I will back at my unit to change my clothes, it just a waste of time. Ayaw kong mawala ka sa paningin ko,” mahaba niyang litanya na siyang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pag-init ng aking pisngi.
“K-kapal mo ah. Hindi kaya nakaka-attract ‘yang katawan mo. Asa ka namang apektado ako,” deny ko naman na siyang dahilan kung bakit siya napatawa ng mahina.
“Well, you are not a good liar miss beautiful.”
Ganoon na lamang ang pagkapit ko nang mahigpit sa kaniyang katawan nang bigla niyang pasibarin ang motor siklo niya. Nang mahimasmasan ako, agad akong napabitaw sa kaniya saka siya hinampas sa kaniyang likod.
Inis akong sinigawan siya. “Ano ka ba! Papatayin mo ba ako sa nerbyos?!”
“Iyon ba ang walang pagnanasa sa katawan ko? Kung maka-kapit ka parang gusto mo nang angkinin.”
“Hindi ko pinagnanasaan ang katawan mo! Ikaw itong bigla-bigla na lamang na magpapatakbo. Natakot ako k-kaya ayon napayakap ako sa ‘yo.”
“Don’t worry, Haona. It is only build for you. Mahahawakan, makikita, at mahahalikan mo rin ito someday.”
I bite my lips. Naiinis na ako sa lalaking ‘to. Kung hindi ko lang talaga pilit na tinitimpi ang sarili ko, hindi ko alam kung ano ang magagawa sa kaniya. Ang lakas ng loob niyang sabihin iyon. Wala nga talaga siyang hiya. Tss.
“Asa!”
“Hindi ko kailangang umasa, niss beautiful. Because I will make it happen.”
NANGANGATOG ang aking mga tuhod nang matapos kong marinig ang sinabi sa akin ni Georgia. Pinikit ko ang aking mga mata ng mariin saka napahilamos sa aking mukha. Anong gagawin ko ngayon?
“Friend, okay lang ako. Huwag kang mag-alala. Okay naman na ako, dumating naman na sina Mommy at Daddy kaya’t naagapan nila ang pagsampal sana sa akin ni Tiya Rosing mo.”
Mangiyak-ngiyak ako nang umangat sa kaniya ng tingin. “I am so sorry, Geor. Hindi ko alam na ganoon pala ang gagawin ni Tiya sa ‘yo. Sumosobra na sila. Kasalanan ko ito.”
Hinawakan niya ang aking mga kamay saka hinigpitan niya ang pag-hawak ‘ron. Tinitigan niya ako sa aking mga mata saka siyang ngumiti ng malawak sa akin.
“You shouldn’t the one to say sorry, Ona. Its not your fault, wala kang kinalaman rito kaya huwag mong sisihin ang sarili mo.”
Impit akong napahagulhol saka tumango. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama kay Georgia. She is my long best friend.
Ayon sa kaniya, sumugod daw sa bahay nila si Tiya Rosing at hinahanap ako sa kaniya. Dahil hindi naman talaga niya alam kung saan ako, bigla raw nagwala si Tiya Rosing saka sinabunutan siya nito. Akma na sana daw siyang abalusin nito ng dalang matigas na bakal na pabilog nang dumating ang Mommy at Daddy niya.
Hindi ako maaring magkamali na iyong bakal sigurong iyon ang ginamit sa akin kagabi sa pambubogbog ni Tiya Rosing. Wala siyang hiya, idadamay niya pa si Georgia na walang ibang ginawa kundi ang tulungan ako.
“Huwag ka nang bumalik sa inyo, Ona. Sa amin ka muna, for sure matutuwa sila Mommy at Daddy.”
Agad akong umiling sa sinabi niya. Nakakahiya na sa kaniya at kina Tito at Tita. Kapag palagi akong may problema sila ang tumutulong sa akin. Sobra-sobra na ang tulong nilang ginagawa sa akin. Sobra nang nakakahiya sa kanila.
“Salamat nalang Georgia, pero sobra nang nakakahiya sa inyo. Kaya ko na ang sarili ko. Ayaw ko na kayong madamay pa sa gulong ito. Ako na ang bahala kina Tiya Rosing.”
“Pero Ona—”
Hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang mga kamay saka ako ngumiti sa kaniya ng malapad. I encourage her that I am okay, kahit na hindi naman na talaga. Pero kaya ko ito, malalampasan ko ang pagsubok na ito sa akin.
“You don’t have to be worry about me, Geor. I can take care of myself. I promise,” malumanay kong sabi.
Napabuga siya ng hangin saka siya napairap. Napatawa na lamang ako ng mahina. Iisa lang kasi ang ibig sabihin no’n, suko na siya.
“Okay, but promise me that you will be okay, ah? Basta kung kailangan mo ng tulong andito lang ako. Huwag kang mahihiya,” pag-payag niya na siyang ikinangiti ko ng malapad.
“Yes, I promise, Geor. Thank you.”
Ang swerte ko sa best friend kong ito. She is always there for me para handa akong tulungan. Hinding-hindi ako nagsisisi na tanggapin siya sa buhay ko. I will treasure her forever. My only best friend, Georgia.
Buong mag-hapon kaming tutok sa klase ni Goer at hindi na nagawa pang pumasyal sa labas ng school. Hapon na nang tawagin ako ni Geor mula sa locker. Napatigil naman ako’t nilingon siya.
“Uuwi ka na? Isabay na kita,” sabi nito sa akin.
Tumingin ako sa relo kong suot saka napatanaw sa labas at nakita kong papalubog na ang araw. “Naku, Geor. Huwag na, baka magkita pa kayo ni Tiya Rosing at ano na naman ang gagawin no’n. Salamat nalang, pero hindi ako sasabay sa ‘yo ngayon.”
Tumango naman siya nang maunawaan niya kung ano ang ibig kong sabihin. Pero makikitaan ng pagkadismaya sa kaniyang mga mata. Pati ang lungkot at pagkahinayang.
“Okay, naiintindihan ko. Ingat ka nalang sa pag-uwi, friend.”
Ngumiti ako sa kaniya saka ginagap ang kaniyang kaliwang kamay at pinisil ko iyon. “Salamat, friend and sorry. But I hope you understand why I am keeping you away. I just want to protect you from my family. Ayaw kong madamay ka sa gulo ng buhay ko.”
Niyakap niya ako ng mahigpit matapos ko iyong sabihin. “You don’t have to say sorry, friend. I understand why are you acting like this. Just promise me that you will be safe.”
“I will, Geor. I will. Thank you.”
Pagkatapos ng yakapan naming dalawa ay agad akong kumaway sa kaniya saka tumalikod at lumakad na papalabas ng locker room.
Nagpakawala ako ng malalim na hangin nang balutin ng kaba ang aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin mamaya. Pero sana hindi ako pababayaan ng Diyos. Sana tulungan niya akong lagpasan ‘ting mga problema ko.
Agad akong pumara ng tricycle saka nagpahatid sa amin. Pagkaapak na pagkaapak ko palang ng aking mga paa sa labas ng gate ng bahay namin. Sinalubong agad ako ng aking mga damit at gamit sa labas.
Halos manlaki ang mga mata ko nang makita na nandoon ang lahat ng gamit ko. Pinapalayas na nila ako? Nanlabo ang aking paningin dahil sa luhang tumakas na sa aking mga mata. Maybe this is the time to be strong enough and fight for what I have.
Nagmartsa ako papasok ng gate. Ngunit agad napa-preno ang paa ko nang makita ko si Tiya Rosing na nakatayo sa may pinto. Mukha talagang kanina pa niya ako inaasahan na dumating. Nakataas ang mga kilay nito saka nanlalaki ang mga mata. Nakapamewang pa siya habang deritso ang tingin sa akin.
Hindi ko napansin na napapalunok na pala ako ng aking sariling laway.
“Ang kapal ng mukha mong bumalik rito?! Pagkatapos mo kaming hindi lutuan ng mga almusal at lumayas ka ng bahay na walang paalam?!”
“Tiya magpapaliwanga po—”
“Magpalaliwanag?!” umuusok ang ilong nitong lumakad papunta sa aking direksyon.
Napaatras ako nang akma niya sana akong sasampalin. Pero hindi ako naka-iwas agad sa pangalawa niyang atake. Halos tumabingi ang pisngi ko sa lakas ng sampal niya. Idagdag pa ang pasa na naroron. Halos mamanhid ang buo kong mukha dahil sa sakit na aking naramdaman.
Napaluhod ako habang sapo-sapo ang aking kaliwang pisngi. Para akong mawawalan ng malay dahil sa sakit. Napapikit ako’t napahinga ng malalim. Oh s**t! Lord, please help me.
Maya-maya naramdaman kongsinipa niya ako sa aking tagiliran. Ganoon na lamang ang sigaw ko dahil sa sakit no’n. “Ahh!”
“Kulang pa iyan sa pagpapakain at pagapapatira namin sa ‘yo dito! Wala kang pakinabang! Palamunin ka lang! Salot ka sa pamamahay na ‘to. Simula nang nandito ka, sunod-sunod ang kamalasan sa akin! Kaya umalis ka na!”
Tigmak ng luha ang aking pisngi dahil sa pagpigil ko ng iyak. “T-tama na po!”
“Anong tama na?! Kulang pa iyan!”
Napadako ang aking paningin sa may main door ng bahay at nakita ko sila Tito at ang dalawa nilang anak na nakatitig sa akin ng malalim. Umiling iling ang mga ito habang may mga kakaibang ngisi sa kanilang mga labi. Maging sila ayaw akong tulungan. Mas masaya silang nakikita akong mahirapan.
“Salot ka sa pamamahay na ‘to! Salot ka sa pamilya namin! Kaya’t ayaw sa ‘yo ng Nanay mo dahil sampid ka lang! Anak sa labas!”
Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Pakiramdam ko tinakasan na ako ng buong mundo. Pakiramdam ko sa akin na ang lahat ng paghihirap. Hindi mo na kaya, parang mawawalan na ako ng hininga.
Kung kaya’t napapikit na lamang ako ng mariin at saka hinintay ang pagpalo sa akin ni Tiya Rosing ng hawak niting dos por dos na gatas.
Pero bago pa iyon tumama sa akin may taong dumating at saka hinarang ang kaniyang sarili para sa akin.
“Ahh! s**t!” sigaw nito nang tumama ang bakal sa aniyang likod.
Nanlaki ang aking mga mata at ganoon rin si Tiya nang makita ang lalaki sa aming harapan. “Anong~”
Agad ko siyang dinaluhan at inangat ang kaniyang pisngi. Tinitigan ko siya ng puno ng pag-aalala. Sumalubong sa akin ang matingkad na kulay itim niyang mga mata. Tumulo ang aking mga luha mula sa aming mga mata.
“O-okay ka lang? D-dalhin kita sa hospital,” hikbi kong tanong habang hawak-hawak ang kaniyang pisngi.
Inaangat niya ang kaniyang mga kamay saka hinawakan ang mga kamay ko na sa kaniyang pisngi saka niya iyon hinagkan. Mas napahagulhol ako sa iyak.
“I’m fine. Let’s go.” Inalalayan niya ako sa pagtayo at nakita ko kung paano siya mapangiwi. Hindi siya okay.
“Hindi ka okay, d-dadalhin kita sa hospital, N-nido.”
Halos gusto ko na siyang kaladkarin papalabas ng gate pero ayaw niyang makinig at sumama sa akin. Sa halip, lumingon siya kay Tiya Rosing. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Tiya at ng tiyo at mga pinsan ko sa likuran nang makita nila si Nido.
Kitang-kita ko kung paano panawan ang kanilang mga mata at tindig ng pagkatapang at napalitan iyon ng takot. Maski ako ay naginginig dahil sa presensyang dala ni Nido.
“Don’t. Ever. Hurt. Haona. Gabriel. Or. Else. I. Will. Wreck. Your. Neck.”
Bumaling sa akin si Nido at nakita ko kung paano mag-apoy sa galit ang kaniyang mga mata. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking pulso na siyang dahilan na wala na akong pakawala pa mula sa kaniya.
“Oh, and one more thing~” napatigil siya at lumingon kina Tiya. Maski ako rin ay napatigil at naghihintay ng susunod pa niyang sasabihin.
“Kung sasaktan niyo ulit si Haona, ako na mismo ang makakalaban niyo. Hindi niyo alam ang kayang gawin ng isang Nido Monteneille."
Sinamaan niya ang mga ito ng tingin.
"Ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang pinapaki-alaman at pinipinsala ang bagay na pag-aari ko. And for the record, Haona Gabriel is my property. And once you touch her hindi ako magdadalawang isip na gawan kayo ng masama. It will be you die or you will be suffer until your last breath. Mark my words."
...