TINUPI KO ang sulat ni Nido sa akin. Dahan-dahan ko iyong nilagay sa isang maliit na kahon. Kasama ang tape na nirecordan niya ng kaniyang kanta para sa akin. Papanoorin ko ito oras-oras kapag nami-miss ko siya. At ang sulat niya, babasahin ko palagi. Unti-unti na namang pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata. Ilang segundo lang at nabasa na ang pisngi ko. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Parang tinatarak ng punyal iyon. Bakit? Bakit? Bakit ngayon lang ako bumalik? Bakit pinatagal ko ng limang taon? Bakit sinayang ko ang limang taon na iyon? Sana marami pa kaming ala-ala ni Nido na nagawa. Sana ang haba pa ng oras na nakasama ko siya at iparamdam sa kaniya ang pagmahahal ko. Pero sinayang ko ang limang taon na iyon. Ngayon, kahit sa kaunting oras babawi ako kay Nido. Mananatili ako

