Chapter 30

717 Words

Chapter 30 NAIWAN AKONG mag-isa sa table na inuupuan ko. Iniwan ako saglit ni Nido dahil may kinausap pa siyang mga kaibigan niya sa kabilang mesa. Nagpapakalibang na lamang akong uminom ng juice habang nagmamasid sa mga taong nagkwekwentuhan. Napatindig ako ng upo nang lumapit sa akin ang isa sa mga kapatid ni Nido. Ngumisi ito sa akin at kumindat. Mahilig siguro 'tong kumindat? "Haona Gabriel, right? Hindi na kita i-a-ate kasi matanda ka lang naman ng isang taon sa akin." Tumango ako saka pinagpatuloy ang pag-inom ko ng juice sa aking harapan. Umupo naman ito sa bakanteng upuan. "I am Milo," pakilala nito sabay lahad ng kaniyang kanang kamay sa akin. "Yes, I know you." Tinanggap ko naman ang kamay niyang nakalahad. Hinintay ko pa kung ano ang gagawin niya sa kamay ko pero wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD