Chapter 37 Isang taon. Isang taon na ang nakalilipas pero sariwang-sariwa pa rin sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung makakayanan ko pa ba na lumugar o hanapin ang sarili ko dahil sa pagkawala ng pinakamamahal ko. akala ko ay isa pa ring panaginip, pero niloloko ko lang ang aking sarili kapag magpapaniwala ako sa kalokohan na iyon. Malakas na simoy ng hangin ang dumampi sa aking pisngi habang nakatitig ako sa lapida. Sa pangalan ni NIdo na nakaukit doon. Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring tigil ang pag-unahan ng aking mga luha na nagmumula sa mga mata. Alam ko na kinukulong ko lang ang aking sarili sa kahapon, pero hindi ko minsan mapigilan ang makaramdam ng pangungulila at lungkot. Ibang klase kasi kapag nakasanayan mo na tapos bigla na lamang mawawala. Hindi ko iyon maka

