Habang nasa klase si Joanna naramdaman niya na nag vibrate ang cellphone niya sa bulsa tinignan niya kung sino nag text ang kanyang boyfriend tumingin mona siya sa guro bago tinignan ang text.
"Magkita tayo mamaya, may sasabihin ako".
Nang nabasa niya ang text hindi na siya mapakali parang gusto na niyang matapos ang klase. May dalawang subject pa siyang papasukan kaya wala siyang magawa kundi maghintay kung kailan matatapos ang lahat ng klase niya. Ilang minuto nalang ay matatapos na ang klase niya, inayos niya muna ang kanyang buhok at nag lagay ng kunting make-up sa mukha kinuha niya ang cellphone at nag text na pupunta na siya kung saan sila una nagkita. Malayo pa lang ay iba na ang pakiramdam ni Joanna na may mali talaga, pagdating niya sa tagpuan, nakita niyang nakatayo si Gab at na parang hindi mapakali na parang gusto ng umalis, nang nakalapit na siya ay agad niyang inunahan sa pagsalita.
Ano ba sasabihin mo?'.
Hiwalay na tayo ...". Napaangat si Joanna sa sinabi ni Gab, hindi niya inaakala na ganon pala ang pakay niya kung bakit makipagkita sa kanya ang boyfriend niya, tumulo ang luha ni Joanna dahil ganun lang kadali sa kanya na sabihin ang salitang hiwalay.
Bakit? Kayo naba ulit ng ex mo .... '' Nagulat ang lalaki ng sabihin ni Joanna ang katagang n'yon. P-pano ako Gab, pano yung ginagawa natin kapag t-tayo ay magkikita alam mo naman na pinagkakatiwalaan kita dahil alam ko hindi mo ako sasaktan". Hindi na napigilan ni Joanna na umiyak.
Mahal ko si Karen, mahal niya din ako". Nabigla si Joanna sa sinabi ni Gab sa kanya kaya sinampal niya at pinagsapak-sapak ang dibdib ng lalaki.
Gago ka pala, ano mo'ko panakit butas, t-tinitirahan kung kailan mo gusto..!!'.
Kasalanan ko ba kung bumigay ka!!. Sa sobrang galit ni Joanna ay sinampal niya ulit. Matapos sabihin ni Gab ay agad na siyang umalis iniwan niya mag-isa si Joanna. Nanatili si Joanna kung saan siya iniwan ni Gab, umiiyak. Hindi kasi matanggap ni Joanna na hiwalayan siya ni Gab, nangangako kasi si Gab sa kanya na hindi siya iiwan matapos siyang samantalahan. Umuwi ng wala sa sarili si Joanna, nagpapasalamat siya dahil wala pa ang kanyang ina sa bahay, dumeretso siya sa kanyang kwarto at umiiyak. Sobrang nasaktan si Joanna kaya nangangako siya sa sarili niya hindi na siya ulit mapaloko tulad ng ginawa ni Gab sa kanya.
Nang naka graduate ng Senior High si Joanna ay naisipan niyang tumulong nalang sa kanilang negosyo. Sa trabaho niya lang binuhos lahat ng oras niya. Dumaan ang ilang buwan may nakilala si Joanna na isang Bisxual na ang pangalan ay Evan, hindi pa naman sila nagkikita ay masaya na makipag usap si Joanna gamit ang f*******:. Sa f*******: pala sila nagkilala hanggang sa naging close na sila sa isa't-isa. Dumating ang araw na ginawan ng explosion box ni Joanna si Evan, sabi ng nangangalan na Evan ay ihatid daw sa kanilang lugar, niyaya ni Joanna ang kanyang kaibigan na samahan sa kanyang pupuntahan sumama din naman ang nangangalan na Jenny. Noong una hindi nila alam kung ano ang kanilang sasakyan kaya nagtanong sila kung anong sasakyan patungo sa nangangalan na "Mahayag". Bago paman sila nakarating ay nag-text na si Joanna kay Evan namalapit na sila. Pagkadating nila ay naghihintay muna sila ng dalawang minuto bago dumating ang nangangalan na Evan. Agad din binigay ni Joanna ang dala niyang explosion box kay Evan.
Thank you Joanna". Sabi ni Evan. Hindi alam ni Joanna kung ano ang sasabihin niya ang nagawa niya lang ay ngumiti. Nanahimik sila pareho ng biglang may umakbay kay Evan na hindi naman kilala ni Joanna at Jenny, nagtatawanan silang tatlo kasama na si Evan at yun nag umakbay sa kanya. Tumingin ang dalawang babae ba o Bisxual kay Joanna at Jenny at nagpakilala. Naalala ni Joanna hindi pala siya nagpaalam kaya nag desisyon siyang umuwi dahil gabi na rin.
Abala si Joanna saka ka-scroll sa f*******: nang biglang may nag chat, isang nangangalan na Marl, dahil wala siyang nagawa ay rene-replyan niya. Masaya si Joanna nakipag usap sa nangangalan na Marl, hanggang naging close niya din tulad ng kay Evan. Hindi alam ni Joanna kung tama ba ang kanyang ginagawa dahil masaya siya lagi kapag kausap niya si Marl. Si Marl at Evan ang isang Bisxual. Nang tumagal, nangligaw sa kanya si Marl agad naman niyang sinagot. "Sino naman ba ang hindi maka gusto sa isang Bisxual na lagi kang pinapasaya". Sa 'twing may laro si Marl ay lagi nand'yan si Joanna para suportahan. Nang nagtagal sila ay bigla sila nagsama sa isang bahay. Hindi naman nagagalit ang magulang ni Joanna dahil ang akala nila ay magkaibigan lang sila. Mabait naman ang magulang ni Joanna kaya pumayag ang ina ni Joanna na manatili si Marl sa kanilang bahay.
Maraming tao ang humuhusga sa kanilang pagsasama dahil pareho silang babae, para kay Joanna mahal niya si Marl wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa kanya, binalewala ni Joanna lahat ng mga taong sumusira sa kanila, alam naman ni Joanna kung gaano siya ka mahal ni Marl. Si Marl na mabait,maunawain at higit sa lahat ma respeto. Kay Marl niya lang naranasan ang hindi niya naranasan ang pagmamahal na binigay ng kanyang ex. Masaya ang kanilang pagsasama, minsan nag aaway pero uuwi naman sa lambigan agad.
Nang nag dalawang taon na sila, biglang nagbago ang pakitungo ni Joanna kay Marl, lagi nalang gabi umuwi si Joanna na parang walang naghihintay sa kanya sa bahay. Isang araw nalaman ni Marl ang tinatago ni Joanna.
"May iba ka palang ka-chat ng hindi ko alam.". Sabi ni Marl. "Sino si Cris, nagkita pa kayo sa shop ha...!". Hindi na sumabat si Joanna dahil totoo naman nakipag kita siya sa lalaki, tinalikuran niya lang si Marl at pumunta sa kanyang kwarto para magbihis. Hindi na din nagsalita ulit si Marl dahil noon pa lang ay alam niya na may tinatago si Joanna, naghahanap lang siya ng panahon na sabihin niya. Dahil maunawain si Marl pinatawad niya si Joanna at mahal na mahal din niya.
Hindi huminto si Joanna sa kanyang ginawa na makipag kita sa lalaki at hindi lang ni'yon nakipag hiwalay pa.
"Ayaw ko na sa'yo, pagod kanang unawain umuwi kana sa inyo at wag kanang babalik pa dito ...!!". Marami pang sinasabi si Joanna na mga masasakit na salita.
Kayo naba ng Cris na'yon .. "Sabi ni Marl, kahit masakit sa kanya ay pinilit parin niyang unawain si Joanna dahil mahal niya ito. Hindi naka sagot si Joanna dahil totoo ang sinasabi ni Marl sa kanya. Nag desisyon na umalis nalang si Marl kaysa magkasagotan sila ulit ni Joanna.
Kaumagahan umalid si Joanna para mag trabaho kaya naiwan si Marl mag-isa kaya nag desisyon si Marl na umuwi mona sa kanila, bitbit niya ang mga gamit niya. Pagdating ni Joanna sa bahay nila ay wala siyang Marl naabutan, ang akala niya ay hindi aalis si Marl dahil palagi naman niya pinagsalitaan na ganon na salita. Na mapagtanto ni Joanna namali ang kanyang ginawa. Nagawa lang naman ni Joanna ang magloko dahil minsan si Marl wala narin oras kay Joanna lagi nalang niya maabotan na nanunuod ng mga palabas, lagi nalang humiga at walang ginagawa.
Na mapagtanto ni Joanna na mahal parin niya si Marl ay nag desisyon siyang balikan si Marl. Ayun na nga nagkabalikan sila pero hindi katulad ng dati na masaya sila araw-araw. Lagi nalang sila nag aaway sa mga maliit na bagay, nagseselos ng walang dahilan. Nag iba na din ang ugali ni Marl pero mamakita mo parin na mahal niya si Joanna. Hanggang sa umabot sila ng apat na taon.
"Hindi biro ang kanilang pagsasama ni Marl maraming mga pagsubok ang dumating sa kanilang buhay. Minsan na isip ni Joanna na bakit niya nagawang lokohin ng pauli-ulit si Marl na mahal naman siya nito. Dumating nga ang isang araw na pinaglaban ni Joanna si Marl sa kanyang magulang"