Napa undercut ako.
Ayaw pa nga ni mama. Ang sabi ko nalang uso iyon para payagan ako. She is furious about that, dahil hindi raw iyon babagay sakin. But she agreed, galit na galit pero nag bigay ng pera pampagupit. Binalaan pa kong papanget daw ako.
Pare parehas kami ng gupit nila Justine at JM. Iba iba lang ung style. Yung akin kasi medyo mahaba pa yung mga natirang buhok sa taas. Bagsak yung buhok ko kaya asar na asar talaga ako.
Gusto ko kasi sana yung katulad sa mga lalaki, pero dahil hindi ako tunay na lalaki at lesbian lang ako. Hindi nasunod ang gusto ko.
"Bagay sayo!"
puri ng baklang naggupit sakin. "Mas lalo kang gumanda!" paimpit niyang tili. What the f**k?! "Nakakalalaki ka ah!" napakagat labi ako sa inis. Kumukulo dugo. Hintayin mong matapos dito. Susuntukin kita kaliwa't kanan.
Nabigo ako sa gupit kong ito. Yung akala kong mas aangas ang dating ko. Pinuri pa akong lahat. Putangina!
Dadating pa si mama. Tiyak isa din yun
"O Aya May bisita ka palang maganda!"
"Ma ako 'to ," tamad kong sagot.
Napaatras pa si mama sa gulat. Ang oa naman ng matandang 'to.
"Ikaw ba iyan anak? Ang ga-,"
"Oo ang ganda ko!" padabog kong binaba yung magazine at umakyat sa kwarto ko. Dapat hindi nalang ako nagpagupit.
Unang pasok sa eskwelahan. Tamad akong pumasok. Tiyak wala rin namang gagawin ngayong araw. I hate, first day of school.
Habang papasok ako sa university. Tila para bang naagaw ko ang atensyon ng lahat. Napahawak tuloy ako sa buhok ko. At yumuko nalang. Napaseryoso lang ang pag yuko ko ng makaramdam ako ng kirot sa puson ko.
"Uy Bly. Ganda natin ngayon ah." sabay akbay ni Justine saakin. Nag taas lamang ako ng kamao. "Joke lang. Easy! Pogi pogi natin e!"
Inismidan ko siya.
"Huwag na tayo pumasok. Mang chicks nalang tayo," tuwang sabi ni JM
"Hindi. Papasok ako. Kailangan kong ayusin yung sched ko," Isang hakbang ko paalis,namilipit ako sa sobrang sakit.
"Ayos ka lang?"
"Anyari?" sabay alo nila JM at Justine.
"Wala ito. Tara na. Mahuli pa tayo, pinag aaral ako ng maayos ni mama para hindi mag cutting."sabi ko
"Osige mamaya ah. Mang chicks tayo. Gwapo ko ngayon-" napatigil sa pag sasalita si JM ng batukan siya ni Justine.
"Puro babae sa utak mo!" asik nito.
"Bakit ba? Sayang itong gwapo kong gupit,"
"Oo nga e. Sana gupit ka nalang."
"HOY JUSTINE ANONG SABI MO?!" tumakbo si justine at hinabol naman mi JM. Puro kalokohan talaga nasa isip ng dalawang ito.
Bigla nalang nahagip ng mata ko sila Liza. At kasama sila Maverick?! Andito rin sila? Nahagip ni Maverick ang titig ko. Umiwas ako ng tingin at sumunod kila Justine at JM.
"Ayl-BLY!" tawag ni Maverick. Napatigil rin sila JM at napatingin sa lalaking tumatakbo palapit samin. Yung grupo nila Liza ay napatingin samin. Sila Niko at Roland naman ay sumunod kay Maverick.
"Una na kayo JM. Sunod na ko."
"Sige sunod ka ah." tumango ako at umalis na sila.
"Men chicks. Pero 'bat mukhang tomboy." sabi ni Niko. Pabiro ko itong sinuntok sa braso.
"Mga kaibigan ko yan."
"Mukha nga. Pare parehas kayong maiikli buhok." sambit ni Roland.
"Namiss ka pala nito," sabay turo nila kay Maverick.
"Gago. Tumigil nga kayo," bulong niya na narinig ko.
Sumulyap ako kay Liza. Na nakatingin din sa lugar namin. Parang saakin yata? Tinitignan niya yung ayos. Pinag uusapan nila ako. Nahiya tuloy ako.
"Nakita ka namin nung kuhaan ng schedule." sabi ni Maverick kaya naagaw niya ang atensyon ko.
"Oo. Kasama mo si Killian." dagdag ni Roland," nag iba bigla yung ekspresyon ko. "Easy lang Bly. Parang mangangagat kana e," natatawa nitong saad.
"May atraso iyon sakin e." sagot ko.
"Kaya naman pala." natatawang sabi ni Niko. "So,pwede bang patingin ng schedule-"binatukan na siya ni Maverick
Ano bang nangyayari sa mundo? Ang daming taong gusto makita ang schedule ko. Yung isa naman kinuha nalang basta basta. HINDI KO PARIN MAKAKALIMUTAN ANG GINAWA NG UGOK NA IYON!
"Sa breaktime. Sabay ka saamin Bly," sabi ni Roland. Habang naglalakad kami papasok.
"Kasama ko mga kaibigan ko." tipid kong sagot.
"Edi. Sama nalang kami sainyo."sabay hagikhigan ng dalawa. Si Maverick naman nakatingin lang sakin kung sasang ayon ba ako.
"Sige. Pag iisipan ko." tangi kong sagot.
Sa Subject na biology. Kaklase ko yung tatlong bibe. Hindi ko kaklase sila Justine at JM.
"Uy. Hi Ayla?" sabay tabi ni Liza sakin.
"Bly," pagtatama ko habang hindi tumitingin sakanya.
"Oh. Kay? Bly?"
"Yeah," tamad kong tugon. Nakakaramdam na ko ng bilis ng t***k ng puso. Tumabi pa siya saakin.
Nakakaramdam na din ako ng kirot saaking puson. Period day ko ba ngayon?
"You know what Ayla," napatingin ako sakanya. "I mean Bly." pag tatama niya. Nag iwas uli ako ng tingin. "Sorry sa pag susungit ko at... Itong mga friends ko,"
"Sorry,"
"Peace!,"
"Can we be friends? Sama ka samin?" nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Ang ganda mo Bly kaya sama ka samin." kumbinsi ni Joanne.
"We will become more popular."
"Yeah exactly."
"May mga kaibigan na ko-"
"Sino? Yung dalawang tomboy?" kumunot uno ko sa sabat ni Isabel. "Don't tell us, you're a lesbian too," medyo napalakas ang pagkasabi niya nun at may tono ng pandidiri. Kaya napatingin ang ibang classmates namin. Kinabahan ako. Lalo na at nakita kong na aantay ng sagot si Liza.
"N-no. I'm not!" agap kong sagot ko.
"Ayun naman pala e. Be with us. Let's sow beauty." sambit ni Liza na napabuntong hininga saakin.
I don't know why kung bakit natatakot pa kong ilabas ang tunay na ako. I do not want to be judged at lalo na pandirihan. Ganon naman yung mga tao ngayon e. Mapanghusga. They believe in things,not knowing the whole story.
Tiniis ko yung sakit. Sakit ng puson ko. At hanggang nag last period na. Hindi ko na kinaya. Sobrang sakit na.
"S-sir!" I raised my right hand.
"Yes miss Vergara?"
"C-can I go out?"
"Go out!" kaya dali dali akong tumayo at lumabas ng silid. Sobrang sakit na ng ulo ko. Ano ba ito?!!!
Ang hirap maging babae. Tangina. Ngayon lang ito sumakit ng grabe. Mama help me! Mama where na you.
Hindi ko alam kung saan yung clinic. Saan ba iyon? Nahihilo na ko. Naupo muna ko sa waiting shed.
"Mama..." sambit ko. Bago pumikit ang talukap ko. Bumagsak ang katawan ko. Akala ko hahalumpasay na ko sa sahig pero may sumalo
"Ayla," pinilit kong imulat ang mga mata ko upang makita kung sinu iyon.
"Anong ginagawa mo dito?" and I lost consciousness...