Chapter 4- Memories with Killian

920 Words
Matapos naming kumain ng tanghalian, deretso na kami sa sunod na lugar na pupuntahan namin, sa The Mansion, bumaba kami doon sa may mahabang fish pond, puro gold fish ang naroon. Derederetso kami hanggang marating naming ang pinto ng langit~este,iyong gate papasok doon sa The Mansion, kinuhaan ko iyon ng litrato, nagpakuha rin ang mga kasama ko ng litrato roon sa may parang gate papuntang langit. "Kukunin na ko ni Lord!" Roland stretched his arm at umaktong kukunin na ng langit sabay batok ni Maverick sakanya at hagakpak ng tawa ng mga kabataang kasama ko. Napangisi ako habang tinitignan yung mga shots ko. "Sige matuluyan ka sana,"sabi iyon ni Maverick na mas lalong nagpalakas ng tawanan nila. Napapangiti lamang ako,sapagkat hindi nila alam nakuhaan ko ng litrato itong si Roland habang nag aaktong kukunin siya ng langit. Sa labas lamang kami ng The Mansion, dahil may bayad ang tour doon, kaya hanggang tingin na lamang kami sa mansiong iyon. Ang ganda kasi may nakasulat doon sa labas ng bahay na "The Mansion" Marami pa kaming pinuntahan, isa na doon ng Burnham Park. Kuha lang ako ng kuha ng mga litrato nila doon. "Ayl- BLY!,"tawag ni Niko, sabay lapit sakin, naibaba ko ung camera. "Tama na ang pag pipicture, tara sakay tayo ng Bangka," hinawakan nya ko sa palapulsuhan upang hilahin, mabilis ko iyong kinuha, ayaw na ayaw kong hinahawakan ako, lalo na't lalaki pa. "Ayoko," sagot ko. Nag iba ang ekspresyon nya, kumunot ang noo nya tila ba nawiwirdohan sakin. "I mean, kayo nalang takot ako sa tubig," at layo sa kanila upang sumunod kay mama. "Ang arte!" rinig kong sabi ni Liza. "Takot daw sa tubig. Tsk! paano sya nakakaligo!" dagdag pa ni Isabel,tumawa lang si Joanne sa mga komento nila. "Tara sumakay na tayo" rinig kong yaya ni Maverick. Bago ako makalapit kay mama, napalingon muna ko sakanila. Pag lingon ko nakatingin sakin ni Maverick kaya naman tinaas ko ang camera at umaktong kukuha ng litrato kung saan man, upang hindi nya isiping pinagmamasdan ko sila. Nang makaalis na sya, binaba ko na ang camera at nagtungo na kay mama Hindi ko alam kung bakit ba ako ganito, siguro nahihiya lang ako? Hindi ako pwedeng mapabilang sakanila, ayokong makihalubilo sakanila, ayokong mahusgahan kapag nalaman nilang ang tunay kong pagkatao, mas mabuting hindi nila ako makasama sa ganon hindi nila ako makilala. "Hindi kayo sasakay?," tanung ng isang katrabaho ni mama "Hindi na, takot ito sa Bangka e!," sagot ni mama, totoo iyon, hindi ko nga alam kung bakit nasabi ko sakanilang takot ako sa tubig,na dapat ay bangka. "Kayo?"tanung nito sa iba pa. "Hindi na, takot din kami,"sabay hagikhikan nila. May nakita akong mga kakaibang kulay ng bulaklak. Nilapitan ko iyon, upang kuhaan ng litrato. Ang gaganda nito kakaiba ang shade ng kulay. "You're into photography," halos mapatalon ako sa gulat doon sa nagsalita, galing iyon sa likod ko kaya agad agad akong lumingon. "Hi Ayla," sabay ngiti nito, isa pa itong isang ito, "It's Bly. Ok ?" sambit ko at nilagpasan sya. "Oh? Nag iba na?," sarcastic niyang saad. Mabilis akong lumingon sakanya,naasar ako ah. Nagkibit balikat sya. At nilagpasan ako upang puntahan ang mga kapatid nya. Apat na silang mag kakapatid, nadagdagan sila ng dalawang puro lalaki din. Siya at si Vhong lang kasi ang naaalala ko. Ang cute nung pangatlo, na nangangalang Patrick, serious type sya, I like his aura, hindi katulad ng panganay nila na mukhang mapaglaro, then I saw the little child, I think ito iyong bunso nila, si Timothy, mukhang nasa 7 years old palang sya. "Is that you Ayla?" tanung ng isang... tingin ko'y nasa mid 40's? "It's Bly daw Mom," sabat ng lalaking ito. Ah mommy pala nila. "You're so beautiful Ayla." Tila ba wala siyang narinig. "I don't want her to call Bly, it's Baduy," she turn to Killian habang sinasabi nya iyon. "Mas better ang Ayla, perfectly fit for her beautiful face," she smiled sweetly to me. Ngayon lang ata ako natuwa sa puring iyon,hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng tuwa ng sakanya ng galing, ang sarap sa feeling mapuri ng isang kagalang galang na ginang. "S-salamat po," sabay bow ko ng kaunti. "I remember that day yung dalawa kayong ni Killian na nagkakasal kasalan," after that she laugh,pati si mama. Nanlaki ang mga mata ko at kumunot ang noo,huh? Bakit hindi ko iyon matandaan? "Then you exchange vows, imagine, both of you are still 7 years old that time," tuwang tuwa ang mata nya habang ikinukwento iyon. Hindi ko naiintindihan? May ganun na nangyari? "Mom stop!" seryosong saad ni Killian. Bakit pinapatigil nya? Bakit hindi nya hayaang ikwento ito? Nahihiya ba siya? Kung nahihiya siya. Mas nahihiya naman ako. Buti nalang hindi kona iyon naaalala. "Ok. I will stop now," tumigil na sya ngunit bakas parin sakanya ang tuwa. "By the way. We will go now. After nyo dito, tell your tour guides that they need you to bring in Grand Sierra Pine we'll be there for dinner, treat ni Papa," "Noted madame," "We will go now- Killian let's go," tinitigan muna ako ni Killian,para saan ang titig na iyan? At saka umalis. Nakakapagtaka. Wala kasi akong naaalala sa pagkabata ko. Noong nakita ko sila doon ko lang naalalang kilala ko sila. Alam ko yung pang iinis nila Maverick at Roland, at ang maarteng si Liza, but my memories of Killian? Ewan hindi ko alam. Ano bang mayroon samin noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD