CHAPTER 8

968 Words
Xyna's POV Humiga ako sa kama ng kwarto ko pagkatapos kong mag bihis. "Ay, teka. Diko pa pala nakakausap si Ezekiel tungkol sa activity kung paanong date ang gagawin namin." kausap ko sa sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang f*******: para iadd si Ezekiel. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Ezekiel Ayala sent you a friend request Benedict Castro send you a friend request Weird. Sabay pa talaga sila. Inaccept ko nalang ang mga friend request nila at chinat na si Ezekiel tungkol sa activity namin. 'Hi, Ezekiel! Ano palang plano natin para sa activity?' chat ko sa kanya at naseen naman nya ito kaagad. Typing... Ting! Dinig kong tunog ng phone ko. Chineck ko agad ito. Nag reply na ata sya. 'Can we do a video call instead? Para mas mapag usapan natin ng clear.' 'Okay sige. Ako na tatawag.' reply ko sa kanya. Kinakabahan ako kasi 1st time ko ring makipag video call sa isang lalaki ng kami lang. Kung makikipag video call man ako, may ibang kasama na babae ganun. Ang awkward kasi e. Basta haha. Inayos ko muna ng konti yung buhok ko bago ko sya tawagan. Nakakahiya naman kung mukha akong sabog sa harap nya. Tinawagan ko na sya sa messenger at sinagot naman nya agad ito. "Hell--ano ba!? Magdamit ka kaya!?" sigaw ko sa kanya sabay takip sa cellphone ko. Naka top less kasi ang loko. Pambihira! "Oh, I'm sorry. Katatapos ko lang kasi maligo." nag off cam muna sya. "Bihis lang ako real quick, wait." Nag off cam din muna ako para pakalmahin ang sarili ko. Myghad, my virgin eyes! Nung nakita ko syang nag open cam at naka t-shirt na, nag open cam na rin ako. "Sorry about that. Diko ineexpect na ganun ang magiging reaksyon mo." natatawang sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin. "Anong nakakatawa dun? E sa 1st time ko makakita ng naka top less na di ko naman ka close e." Tumawa lang ulit sya. Loko tong lalakeng to ah. Nakakuha ka ng clown mo? "Anyway, what are we gonna do for our activity?" tanong nya. Umayos naman ako ng upo at sinagot sya. "Diko din alam e. Wala kasi akong alam sa mga date date na ganyan. Napapanood kolang sa mga drama or teleserye ganun." "Wait, you haven't date anyone before?" di maka paniwalang tanong nya. Tumango lang ako. "Bakit?" "Boyfriend, nagkaroon kana ba?" Umiling ako. "Bakit ba?" "Why are you so irritated? I'm just asking." natatawang sabi nya. "Baka kasi dahil wala kang boyfriend dahil pangit ka." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Aba, loko to ah. "Pangit agad? Di ba pwedeng di ko lang priority as of now? Kayo talagang mga mayayaman kahit kailan. Ang yayabang nyo." dere deretsong sabi ko sa kanya. Nakakainis kasi. "HAHAHAHA pangit mo kasi." pang aasar nyapa. "Ano ba!? Pag uusapan ba natin yung para sa activity o aasarin molang ako dyan!?" sigaw ko sa kanya sa phone. Nakaka asar naman to kausap. Kala mo naman close kami. Feeling close yarn? ****************************************** Ezekiel's POV I flinched when she shouted. Naka earphones kasi ako kaya dinig na dinig ko. I think my eardrums are hurting right now. The hell is wrong with her? "Ouch." I removed my earphones and touch my ears. "Naka lunok ka ba ng megaphone kaya ganyan kalakas ang boses mo?" I irritably asked her. "E sa nakakainis ka kasi. Maka pang asar ka akala mo naman close tayo. Para sabihin ko sayo, di naman kita icha chat kung di lang dahil dito sa activity natin no!" she rolled her eyes. "Nakaka inis. Si Benedict na lang sana yung naging partner ko hindi ikaw." I tsked. "You know what? Let's just end this call and forget about that fvcking activity. Bahala ka dyan." I said and ended the call. Maya maya pa ay narinig ko ang tuloy tuloy na pag riring ng phone ko dahil sa notification. Chineck ko naman ito. 'Hoy!' 'Magreply ka!' 'Hoy, bakulaw!' 'Forget about the activity? Di ako pwedeng bumagsak, bwisit ka!' 'Kung gusto mo bumagsak, ikaw na lang mag isa. Huwag ka mandamay!' Tadtad nya sakin ng chat. Right. I just remembered that she's one of our school's scholars. Well, I don't mind naman if bumagsak ako. So what? We own the University. I don't give a d*mn fvck. I throw my phone in my bed and look at the view outside. Yes, I bought a penthouse nearby. Wala lang, trip ko lang mamuhay mag isa. I was enjoying the view when I suddenly came up with an idea in my mind. Xyna Shane Hipolito. Mapagtripan ka nga. ****************************************** Xyna's POV Arrrghh! Nakakainis naman yung lalakeng yun. Di pwedeng bumaba ang grades ko. Kailangan kong i-maintain yun dahil scholar student ako ng HU. Pinag tatadtad ko sya ng chat at paulit ulit na tinawagan ngunit nagriring lang ito. Bumuntong hininga ako at bumalik sa pagkakahiga. Yari talaga sakin bukas yung Ezekiel na yun pag nakita ko sya. Ting! Agad kong tiningnan ang phone ko kung sino ba ang nag chat. 'Hey, Xyna! Thanks for accepting my friend request :)' Si Benedict pala. Nag reply naman ako agad. 'Walang anuman :)' 'Naka uwi ka na ba?' tanong nya sakin. 'Oo.' 'Ohh, great! By the way, labas tayo bukas after class. Kain lang' yaya nya sakin. 'Sige lang. Basta ipag paalam mo ako kay kuya at kay tito Lando. Kung okay lang sayo hehe.' 'Sure. No problem :)' 'Sige. Bukas nalang. Iidlip lang ako ng konti.' 'Okay sige. You must be tired. Eat your dinner pagka gising mo.' reply naman nya sa akin. Mag rereply pa sana ako pero pagod kasi talaga ako. Unti unting bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan ng pumikit ang mga ito at naka tulog. -TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD