Ezekiel's POV
We're now in the parking lot. Katatapos palang kasi ng klase and we're currently waiting for Benedict. He'll do anything to win the bet I guess. Well, I'm not gonna blame him. 80k e. Big amount of money. Uhh, kinda?
"Tagal ni Benedict ah? Grabe naman mag effort yun para sa 80k." Asher said while laughing.
"Malaki ata ang pangangailangan." gatong naman netong si Chester.
We're telling funny stories when Benedict finally came.
"Sup bro? How's your 1st day? I asked him.
"Great. I think it'll be easy." he confidently said.
Oh, really?
"Taas ng confidence ah. Well, good luck bro." Cedric said.
"Anyway, you can go first. May dadaanan pa kasi ako." I intruded.
They were all shocked.
"Ohh, something's fishy." Benedict said. "May nabingwit ka nanaman atang isda, bro?" He chuckled.
"What are you talking about? Iba yung dadaanan ko. Mga loko talaga kayo." I chuckled.
"Joke lang bro. Anyways, ingat ka. Una na kami."
We bid goodbye to each other. I waited for them to go first.
Well, we all have our own cars.
Cedric has Ford Mustang
Asher has Dodge Challenger
Chester has Toyota 86 TRD
Benedict has Subaru BRZ
While I have a BMW i8.
After they left, I drove my car right away.
******************************************
3rd Person's POV
"Sana maabutan kopa sila." I whispered while driving. Until I saw their car.
"Gotcha!"
Sinundan ko ang sasakyan kung san sya nakasakay ngayon.
I followed them hanggang sa binaba nila sya sa--wait. What's this place? Is this what they call a 'Public Market'? And ano namang gagawin nya dito?
Out of curiosity, I parked my car and silently followed her from afar. Mahirap na kapag nahuli nya ako. She might think that I'm weird.
Nakita ko syang nagmano sa isang ale na nagtitinda ng mga gulay. Siguro nanay nya yun.
I'm gazing at them from a distance. I saw her put down her bag and helped her mom to sell those vegetables.
I roam my eyes when I came up with an idea.
"Sir, excuse me." tawag ko sa nadaan na lalaki. I think he's 30-33 years old.
"Ano yon, iho?"
"Mahilig po ba kayo sa gulay?" I asked.
"Oo naman iho. Bakit moba natanong?"
"Uhh.. Kung ililibre kopo ba kayo ng maraming gulay, okay lang po ba sa inyo?"
"Aba'y oo naman. Hinding hindi ako tatanggi dyan." he chuckled.
Nice!
I smiled. "Sige po. Bali ganito po, balak kopo kasing bilhin lahat nung tinitinda nila." paliwanag ko habang tinuturo yung pwesto nila.
"Lahat ng tinda nila, iho?" paglilinaw nya.
"Yes po. May sasakyan po ba kayo or any vehicle na magkakasya po lahat yung bibilhin natin?" I asked.
"Oo. Andun yung sasakyan ko, naka parada." He said while pointing at his car.
"Sige po. Ganito po ang gagawin natin. Bibigyan kopo kayo ng pera and then bibilhin nyo po lahat yung tinda nila. Bigay nyo narin po sa kanila kahit yung sukli." I paused. "And huwag nyo narin po sanang sabihin na ako po yung tumulong sa kanila hehe." I shyly asked.
"Bakit naman ayaw mong ipa alam iho?"
"Uhhh.. Gusto kolang po kasi talagang makatulong."
"Napaka bait na bata mo naman kung ganon. Napaka swerte ng magiging asawa mo, iho." he smiled. "Osya na't pakyawin na natin ang mga tinda nila."
With that, I gave him the money and watch him at my place as he approach and buy all the vegetables that they're selling.
Mula dito, nakikita ko kung gaano kasaya ang mag inang natulungan ko. It's overwhelming tho. Priceless.
******************************************
Xyna's POV
"Tito, pwede po bang pakibaba nalang ako sa palengke. Tutulungan ko po kasing magtinda si mama." sabi ko kay tito Lando. Kasalukuyan kasi kaming nasa sasakyan ngayon dahil sinundo kami ni tito sa school kanina.
"Okay sige, iha." sagot naman sakin ni tito.
"Huy ikaw ah? Anong meron sa inyo ni Benedict? Naliligaw ba sya sayo?" biglang bulong sakin ni Claire.
Buti nalang bumulong lang sya. Baka kasi marinig kami ni kuya sa passenger's seat.
"Ha? Wala yun. Nagiging mabait lang naman yung tao. Wala naman sigurong malisya yun?" natatawang sabi ko.
Bakit ba pati mga ganung gestures e nabibigyan pa ng malisya? Mga tao talaga ngayon, masyadong mababaw.
"Eh what if ligawan ka nya? Papayag ka?" tanong ulit nya.
"Naku, hindi. Wala sa bokabularyo ko yang love life na yan." sagot ko naman.
"Grabe ka naman. Baka tumanda kang dalaga nyan sige ka." biro naman nya sakin.
"OA ah? Di naman sa ganun. Sadyang diko lang muna priority yung love life sa ngayon." paliwanag ko.
"Okay. Sabi mo e." sabi nya. "Pero kapag nagka boyfriend ka, ako yung unang makaka alam ah?"
Natawa naman ako. "Oo naman. Di lang kita pinsan e. Best friend na din."
Nagpatuloy lang kami ni Claire sa pagtatawanan habang nasa byahe.
At the Public Market
"Claire, iha? Nasa palengke na tayo." tawag sakin ni tito Lando.
"Okay po." nagpaalam muna ako kay kuya at kay Claire bago tuluyang bumaba sa sasakyan. "Ingat po kayo tito."
"Mag iingat ka din, iha. Mauna na kami."
Ngumiti lang ako at kumaway.
Nang makalayo na sila, pinuntahan ko na si mama para tulungang magbenta ng nga gulay.
"Hi, ma!" nagmano ako sa kanya.
"Oh, anak. Kamusta ang school?"
"Ayos naman po, ma." ibinaba ko yung bag ko. "Tulungan kona po kayong magtinda, ma."
"Sige. Ikaw dyan sa bandang yan. Ako na dito."
Isinuot ko ang apron at nagsimulang magtinda.
"Gulay! Gulay po kayo dyan, pampahaba ng buhay!" hiyaw ko para maka attract ng mga costumers hanggang sa may lumapit ng isa.
"Excuse me, iha. Magkano ba yang mga tinda nyo? Bilhin kona lahat." sabi sakin ng isang lalaki.
"Po? Lahat po to, as in lahat po ng mga paninda namin ay bibilhin nyo?" paninigurado ko. Baka kasi nagkamali lang ako ng dinig.
"Oo. Paki kwenta mona lahat kung magkano nang mabibit kona papuntang sasakyan ko."
"Okay po." nagsimula nakong magcompute kung magkano lahat ang mga paninda namin. "1,367 po lahat, sir."
"Eto ang bayad. Keep the change nalang." sabay abot sa amin ng maraming one thousand bill.
"Ay, hala. Masyado pong malaki ito sir. Nasa 1k lang naman po yung binili nyo." sabi ni mama.
"Ayos lang yan. Sa inyo na yan lahat para makauwi na kayo." sabi naman nung costumer namin.
"Naku, maraming salamat po sir. Napaka laking tulong po nito sa amin." pasasalamat ni mama.
"Sa totoo lang nyan e hindi naman ako ang nagpa pakyaw nyan. Kinontsaba lang ako." pag amin nya.
"Eh sino naman po yung nangontsaba sa inyo para bilhin po lahat ng paninda namin?" tanong ko.
"Pasensya kana, iha pero ayaw nya kasing ipasabi kung sino sya. Gusto lang daw nya kasing makatulong sa inyo."
"Kung ganun po sir, pasabi nalang po sa kanya na maraming salamat. Malaking tulong po samin tong ganto kalaking halaga." masayang sabi ni mama.
"Makakarating." ngumiti sya samin ni mama. "Sige na't ako'y mauuna na."
"Ingat po. Salamat po ulit."
"Maraming salamat, sir." pagpapaalam din namin ni mama sa kanya.
"Oh pano ba yan? Mukhang masarap ang hapunan natin ngayon ah."
"Oo nga, ma. Swerte po natin ngayong araw." pag sang ayon ko kay mama.
"Halika na't ayusin na natin tong pwesto nang makabili na tayo ng masarap na hapunan para mamaya." yaya sakin ni mama.
Sinimulan na naming linisin at ayusin ang pwesto bago kami umalis.
At Xyna's House
"Mahal? Calyx? Nakauwi na kami." anunsyo ni mama nang makauwi kami.
"Oh mahal, ang aga nyo ata ngayon. At ano yang mga dala dala nyo?" tanong naman ni papa habang nag kakape.
"Pasalubong tong mga to. May anghel kasi na pumakyaw ng mga tinda namin kanina at may pa keep the change pa." masayang sambit ni mama.
"Swerte natin ngayong araw, ma." sabat ko. "20k pa yung binigay kanina kahit mga nasa 1k lang naman yung binili nya."
"Sino bang pumakyaw ng mga paninda nyo, Xy?" tanong sakin ni kuya Calyx na kalalabas lang ng banyo. Bagong ligo.
"Diko nga din alam kuya e. Ayaw daw ipasabi yung pangalan nya. Kung sino man sya, sana pagpalain sya." nakangiting sambit ko.
"At dahil dyan, masarap ang ulam natin ngayong hapunan. Lechong Manok at Crispy Pata!" masayang sabi ni mama habang inilalagay sa lamesa ang isang plastic kung saan andoon yung Lechong Manok at Crispy Pata.
Pagkatapos maluto nung kanin na sinaing ko ay kumain na kami.
Masayang masaya kaming nagtatawanan, nagbibiruan at nagkukwentuhan habang kumakain.
Kung sino ka man na tumulong sa amin ngayong araw, sana makilala kita soon. Hinding hindi ko makakalimutan tong araw na to na pinasaya mo kaming lahat.
-TO BE CONTINUE
Para po sa mga nalilito kung paano ipronounce yung name ni Xyna at nickname nya na Xy:
Xyna - (Shay-na)
Xy - (Shay)
Sana po naka tulong hihi ^^