Xyna's POV Tiningnan ko agad ang cellphone ko pagka gising ko. Hapon na. Medyo napa haba ata yung tulog ko. Tumayo nako sa higaan ko. Dina rin ako nahihilo di tulad kanina. Inayos ko ang higaan ko at lumabas na ng kwarto. "Hi Xyna!" may mga bumati sa akin pagka labas na pagka labas ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita kung sino ang mga bumati sa akin. Paano ba naman kasi, sina Benedict at Ezekiel nandito sa bahay. Ano nanamang trip netong mga to? "T-teka. Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sa kanila. "At ano yang mga dala nyo?" may mga dala kasi silang bulaklak, chocolates at mga pagkain na naka bilao. "It's all for you." sagot naman ni Ezekiel. "Para sakin? Bakit? Anong meron?" takang tanong ko. "Wala lang. Di naman kailangan na may okasyon pa bago magbigay diba?"

