Xyna's POV
Tahimik lang kaming nakaupo ni Claire sa sofa habang hinihintay ang iba.
"Magbigay pugay. Dadaan ang magandang bakla sa inyong harapan." biglang pasok ni Jay. Kasama nya si Kim.
Natawa kami sa kanya. May pa entrance haha!
Nagbeso kami ni Jay.
"Hello, Xyna." bati sa akin ni Kim at bumeso din.
"Uhm.. Steph?" tawag ni Claire kay Steph.
Lumingon naman sya agad. "Mhm?"
"Asher will be inviting his friends to come too. Would that be fine?" tanong ni Claire.
"Wait, you mean sina Ezekiel, Chester, Cedric and Benedict kasama nya dito mamaya?"
Tumango naman si Claire. "Yep."
"Yeah of course. The more the merrier." sabi ni Steph at ngumiti.
"Hey girl. What's up with you and Ezekiel?" biglang tanong sa akin ni Kim.
"H-ha? Anong ibing mong sabihin?" takang tanong ko.
"Oh c'mon, Xy. You're in his f*******: story kaya." sabat naman ni Jay.
"Ahh. Wala yun. About lang yun sa activity namin." paliwanag ko.
Tumango tango naman sila.
Maya maya pa ay may narinig kaming mga sasakyan na pumarada sa harap.
"Sina Asher na ata to. Labasan ko lang sila saglit ah?" paalam ni Claire sa amin at lumabas para salubungin sina Asher.
Ilang segundo pang lumipas, narinig na namin ang mga yabag nila papasok.
"Uhmm, girls? Let me introduce them to you since 1st time lang natin magka sama sama talaga kagaya neto." panimula ni Claire. "This is Asher, Cedric, Chester, Benedict and Ezekiel." pagpapakilala nya sa kanila isa isa.
"Hi." sabay sabay namang bati nila Jay, Steph at Kim sa kanila.
Kumaway naman sina Ezekiel.
"Upo muna kayo habang hinihintay na maluto yung food." sabi ni Steph kaya umupo naman sila.
Umupo sa magkabilaan ko sina Ezekiel at Benedict. Nasa kanan ko si Ezekiel. Nasa kaliwa naman si Benedict.
Bali ganito ang pwesto namin. Pa letter U kasi yung mga sofa.
Asher | Claire
Kim
Jay
Steph
Chester
Cedric
Ezekiel | Me | Benedict
Ganyan ang pwesto namin at may lamesa na maliit sa harap namin.
Tumingin silang lahat sa amin pero binalewala ko nalang. Kahit papaano close naman kami ni Ezekiel at Benedict e.
"Kamusta? You aren't replying to my messages yesterday." biglang sabi sa akin ni Benedict.
"May mga text kaba?" kinuha ko ang phone ko para icheck kung meron nga at nakita kong meron nga. 29 unread messages.
"Ahh hehe sorry. Diko siguro napansin." nahihiyang sabi ko sa kanya.
"It's okay. Next time reply ka agad ah? Nag alala kasi ako kagabi. Akala ko napano kana."
"Salamat sa concern pero wala ka namang dapat ipag alala. Kaya ko naman sarili ko." sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Ikaw ah? Tinulugan mo ako kagabi." sabat naman netong si Ezekiel sa kabila.
"Ganda kasi ng boses mo kaya nakatulog ako." natatawang sabi ko.
"Is that a compliment?" tanong naman nya.
"Hindi mo sure."
Nagtawanan lang kaming dalawa.
Maya maya pa ay napahawak ako sa lalamunan ko. Nauuhaw ako.
"What happened? Nauuhaw ka ba?" tanong sa akin ni Ezekiel.
"Oo ata. Nanunuyo yung lalamunan ko e."
"I'll go and get some water for you." biglang sabi ni Benedict at tumayo pero pinigilan naman sya agad ni Ezekiel.
"No, bro. I'll do it." pigil ni Ezekiel sa kanya.
"Ako na." pagpupumilit ni Benedict.
Nakita kong nasa amin ang atensyon ng mga kasama namin kaya tumayo na ako.
"Maupo na kayong dalawa. Ako nalang ang kukuha ng tubig ko." sabi ko sa kanila at naglakad na papunta sa ref nila Steph para kumuha ng tubig.
"What was that? Grabe ang effort sayo nung dalawa ah?" sabi sakin ni Steph habang kumukuha ako ng maiinom.
"Wala lang naman siguro yun. Baka nagiging gentleman lang sila?" sagot ko naman.
"We'll see later." sabi naman nya. "Can you help me serving the foods pala? Luto na kasi."
Tinapos ko ng inumin yung tubig at humarap sa kanya. "Oo naman. Tara."
Tinulungan ko syang magdala ng mga pagkain papunta sa lamesa na nasa living room nila.
"Tulungan na kita, Xyna." - Benedict
"Let me help you." - Ezekiel
Sabay nilang alok sa akin. Ano bang nangyayari sa dalawang to?
Bumuntong hininga ako. "Ako na. Kaya kona okay? Maupo nalang kayo dyan." sabi ko at nilagay na sa lamesang maliit yung mga pagkain.
Tiningnan naman ako ni Steph ng nakakaloko bago tumingin sa kanilang lahat.
"Okay guys, actually trip kolang to dahil nakaka bored dito sa bahay. And it's been a while narin mula nung nag invite ako ng mga friends ko dito." panimula nya. "So, what do you wanna do? Movie marathon? Or anything else? You can suggest."
"Is it okay if we drink alcohol here?" suggest ni Chester.
Tumango tango naman si Steph. "Yeah, I think that'll be fine. We're all in a legal age naman na." sabi nya. "Sa iba? Agree ba kayo dun?"
Sumang ayon naman kaming lahat. Okay lang naman sa akin yun. Umiinom na rin naman talaga ako e. Lalo na tuwing may okasyon.
"Okay. So this is gonna be a walwalan ah?" natatawang sabi ni Steph. "Alright. I'll go and get our drinks."
Nag inuman kami habang masayang nagku kwentuhan. Naging magaan na ang samahan naming lahat. Di kagaya kanina na medyo nagkaka ilangan pa.
Nakaramdam naman nako ng kaunting hilo. Tipsy na ako pero kaya pa naman.
Maya maya pa ay biglang tumayo si Kim.
"Guys let's play truth or dare! Para naman may thrill." anunsyo nya.
Sumang ayon naman kaming lahat.
Kumuha si Kim ng isang bote na wala ng laman.
"So here's the rules. Kung kanino tatapat tong bunganga ng bote, sya yung tatanungin natin kung truth ba or dare. Then kung ayaw nyang sagutin or gawin, she or he will drink." paliwanag nya.
"Okay." sagot naman namin.
"Let's start." anunsyo nya at pinaikot na ang bote.
Tumapat kay Claire ang bunganga ng bote sa unang ikot.
"Grabe naman yan." natatawang sabi nya. "Okay truth."
"Anong status nyo ni Asher?" tanong ko.
Bigla naman syang namula. Lagot ka hahaha!
"H-ha?" nauutal na sabi nya at tumingin kay Asher na katabi nya. Ayun, pareho na silang namumula.
"Uhhhmm.." sabi nya ulit habang nakatingin parin kay Asher. Nanghihingi ng tulong.
"I'm courting her." biglang sabat ni Asher.
Naghiyawan naman ang lahat sa sagot ni Asher.
"Ang bilis mo bro ah?" pang aasar ni Cedric.
"Actually gusto ko na talaga sya. Before pa." pag amin ni Asher.
"Ayiiieehhh!" sabay sabay naming sigaw kaya namula sila lalo hahaha! Ang cute.
"Okay okay tama na. Marami na akong nakikitang langgam sa sobrang tamis." singit naman ni Chester. "Iikot na natin to ulit." sabi nya at inikot na ulit ang bote.
Benedict naman tumapat yung bote.
"Truth." prenteng sabi nya agad.
"Meron ka bang nagugustuhan na andito sa circle natin right now?" si Ezekiel ang nagtanong sa kanya.
Tumango naman sya. "Yes, meron."
"Okay, yun na yon mga bakla. Iikot na natin ulit to." singit ni Jay at inikot na ulit ang bote.
Sa pagkakataong ito, sa akin naman tumapat yung bote.
"Truth." sabi ko.
"Ano ba yan, bakit puro truth? Dare naman." singit ni Claire at tumingin sa akin ng nakakaloko. Mamaya ka sa akin.
"Yeah right. Dare naman dapat, Xy para naman mas may thrill." singit pa ni Kim.
"Okay sige, dare na." sabi ko sabay buntong hininga. Wala akong laban sa mga to e. Dami nila, iisa lang ako hahaha!
"I-kiss mo sa pisngi yung nagugustuhan mo dito ngayon." utos ni Steph.
Nanlaki naman ang mga mata ko. Ramdam ko namang pinagmamasdan nila akong lahat.
Para safe, pinili ko nalang na uminom.
Dalawa kasi ang nasa isip ko e. Si Benedict at si Ezekiel. Pero pansin ko, mas napapadalas ang pagbilis ng t***k ng puso ko kapag kasama ko si Ezekiel. Hindi kaya.. Ay never mind na nga lang.
Umiling ako para burahin ang mga naiisip ko at binalik na ulit ang atensyon sa laro.
-TO BE CONTINUE