SANA AY IKAW NA NGA SHARITO'S POV " Marga bakit kanina pa tayo sa daan? nakaka bagot naman. sana nilakad na lang natin kaysa mag dadalawang oras na tayo naka upo, umuusok na ang tumbong ko " nakaka ilang lipat na kami ng sinasakyan ni Marga at ito na nga pinaka huli ang sumakay ng E-trike kong tawagin. " Kunti na lang, hindi natin pwede lakarin dahil medyo malayo pa " " Ano bang lugar ito? dahil sa hilo ko hindi ko na nakita pa ang mga mataas na gusali sa daan, kong sa baryo lang sana mas masarap pa kong sumakay tayo kay Carding ko, kahit mataba 'yun malakas pa din hindi basta napapagod " " Carding? ang bastos mo naman, akala ko ba wala kang boyfriend? " " Wala nga.paanong bastos? si Carding ang alaga kong kalabaw. mabilis at hindi tamad 'yun kahit maghapon kami magkasama

