SANA AY IKAW NA NGA (JULIO'S STORY) NOTE: ANG MGA TAUHAN AT LUGAR SA KWENTONG ITO AY PAWANG KATHANG ISIP LAMANG NG MAY LIKHA O AUTHOR. ANU MANG PAGKAKATULAD AY NAGKATAON LAMANG AT WALANG IBANG INTENSYON ANG MAY AKDA. *** PANIMULA: Sa isang malayo at liblib na lugar sa isang baryo sa Central Mindanao naninirahan ang dalagang si Sharito. Sharito Luwalhati ang bou nitong pangalan, dahil sa hirap ng buhay kaya at trauma noon kaya hanggang second year highschool lamang ang kanyang natapos. Sa edad na trenta ay tanggap na nitong tatanda siya na walang makakasama sa buhay, kaya naman ginugol na lamang niya ang oras at panahon sa pagtatrabaho para sa nanay at kapatid nito dahil ang kanyang tatay ay sumakabilang bahay na raw ayon sa nanay nila. Kaya naman lahat ng gawaing pambukid ay alam niy

