Twelve years ago.. “Papa. Kelan tayo lilipat?” tanong ko kay papa habang pinapanuod sya na inaayos ang mga gamit na dadalin nya para mamaya, yung asawa daw kasi ng workmate nya nung nasa abroad sya kikitain nya, dahil may pinapaabot daw sa kanya, uso ata yon para makatipid ka, kaysa sa mag padala ka sa barko, mas mabilis daw ang pauwi. May mga laruan, sabon, lotion, may ilan din na makakapal na blanket, kurtina at ilang pabango, at mga chocolates, binigyan din kami, nasa ref na yon, sabi ni mama tuwing tanghali after daw kumain tsaka pwede kami humingi non, mahina ako sa matamis pero gusto ko pa rin, kasi masarap. Ganon din kami dati, may pinadala si papa na regalo para sakin at kay Jepjep para daw sa

