D I O N Halos mag iisang linggo na, nang lumipat kami ditto sa Cavite, okay naman ang stay naming, si mama hindi na rin gaano nag tatanong, naging busy sya dahil sobrang fomd nya kay Leigh, ako naman nag enjoy, dahil ang sarap mag luto ni mama, hindi na kailangan bumili ni Leigh sa malayo ng mga cravings ko, madalas kuha na ni mama kung ano ang hinahanap ng dila ko Sabi nya mag kasing selan daw kami nung pinag bubuntis nya rin ako at si lola, mama nya, ang nag luluto para sa kanya nung nabubuhay pa to, halos anim na taong gulang pa lang ako nang mamatay sya sa sakit na diabetes, kaya nung nag dalaga ako, pinag iingat na rin ako ni mama sa mga matatamis, or mga source ng sugar, like chocolates, rice, cake, ice cream

