Sa bawat item na kinukuha ni Zach, agad na tinitingnan ni Sab ang presyo. "Grabe, ang mahal naman nito. Iba na lang ang bilin mo. May alam ako. Kasing sarap din niyan pero 'di ‘sing mahal," ani Sab. "Okay lang 'yan. Marami naman akong pambili," ani Zach habang tumitingin sa shelves. "Grabe ka! Hindi ka marunong magtipid, no?" Natawa si Zach. "Papares mo naman ako sayong walang pera.” "Kahit mayaman ka, dapat marunong ka ring magtipid. Hindi naman kusang sumisibol ang pera sa bulsa. Hindi mo man pinaghirapan ang perang mayroon ka, pero pinaghirapan naman 'yan ng parents mo." Napakunot ang noo ni Zach. “Sinama kita para tulungan ako. Hindi para sermunan mo ako. Ang dami mong alam.” Nagpatuloy ito sa pagkuha nang mamahaling de-lata. “Ang mamahal kasi niyang binibili mo. Para ka lang n

