“Ma’am sakto po tawag niyo. Eto na po si, Sir,” ani Manang nang makitang papasok sa gate ang kotse ni Zach. “Sige. Manang pakipasa kay Zach.” Agad na sinalubong ni Manang si Zach. Pero bigla rin siyang napaurong nang makita ang masamang mukha nito. Halos magsalubong na kasi ang kilay nito nang bumaba ng kotse. Kaya tumabi na lang siya at alanganing ngumiti kay Zach. “Ma’am, mukhang wrong timing po. Mukhang bad trip po si Sir,” anito na sadyang hininaan ang boses. “It’s okay. Ibigay mo sa kanya ang phone.” Napalunok si Manang sabay kamot sa ulo. Sinundan niya si Zach hanggang sa kusina at naabutan niya itong umiinom ng tubig. “S-Sir, kakausapin daw po kayo ng Mama niyo,” alanganing sabi ni Manang habang inaabot ang phone. Seryoso ang mukhang lumingon sa kanya si Zach atsaka inabot ang

