Nanginginig ang kamay ni Sab habang hawak ang tray ng beer. Para itong batang takot na takot. “Uy! Ano ba? Dadalhin mo ba ‘yan o hindi? Malalagot ka kay Boss niyan, eh,” ani Badette sabay tulak sa kanya. Pero hindi pa rin niya magawang ihakbang ang mga paa. Walang kamalay- malay si Sab na sa mga sandaling ‘yon. Nakatingin sa kanya ang grupo ni Zach. Nakuhanan pa nga ni John ng video ang mga naunang eksena bago pa siya makapagpalit ng uniform. “Ano ba kasi’ng ginagawa niya rito?” kunot ang noong tanong ni Zach na halatang iritado na sa nakikita. “Mukhang napasubo si Sab,” ani John. “Namputsa! Ganoon ba talaga siya ka-short sa pera?” Nakita niyang tinutulak-tulak na ng babae si Sab pero hindi pa rin ito gumagalaw. “Baliw talaga!” ani Zach. Inilapag niya ang hawak na baso ng beer sa

