Chapter 5 - Ano ka ngayon, Zach?

1296 Words
Sa paglapag palang ng mga paa ni Sab sa Maynila, muli niyang naramdaman ang bigat nang kinakaharap niyang problema. Kailangang-kailangan na niyang makahanap nang mapapasukan para mabuo niya ang pang-tuition niya next sem. Habang binabaybay niya ang kalsada pauwi sa boarding house, napansin niya ang nakapaskil sa harapan ng isang Pizza Parlor. Gumuhit ang ngiti sa mukha ng dalaga nang makakita ng pag-asa. Sa pagka-excite niya, nawala sa loob niyang nasa kabilang kalsada nga pala siya. Agad siyang tumakbo papunta sa pizza parlor at kamuntikan na siyang masalpok ng isang motorsiklo. “Hoy, Miss! Kung magpapakamatay ka, huwag mo akong idamay!” sigaw ng lalaki. Saglit lang itong tumigil nang mawalan ng balance at nagpagewang-gewang sa kalsada. “Sorry po!” namumula ang pisnging sigaw niya. Maging siya ay nabigla rin sa ginawa niyang pagtawid. Halos manginig ang tuhod niya sa takot. Kung hindi kasi nakabig ng lalaki ang manibela, malamang sa ospital o morgue ang bagsak niya. Hindi na niya napasalamatan ang lalaki na noo’y nagmamadali na ring umalis. Kinalma niya muna ang sarili bago siya muling nagtangkang tumawid. “Hi! Nakita ko po ‘yung paskil niyo sa labas, nangangailangan pa po ba kayo ng crew?” bungad niya sa isang babae na sa tantiya niya ay siyang manager ng shop. Aktong palabas ito noon ng pinto. “Naku, pasensiya ka na, nahuli ka nang dating. Kaka-interview ko lang sa applicant kanina. Tatanggalin ko na nga itong sign,” anito na agad na binaklas ang nakadikit na papel sa salamin. “It’s okay, Miss Kim. Kuhanin mo na siya,” boses ng lalaki mula sa loob. Napalingon si Sab at ang babae na tinawag nitong Miss Kim. Namilog ang mga mata niya nang makilala niya ang lalaking pinagmulan ng tinig. Si John, ang isa sa mga barkada ni Zach. Hindi niya akalain na ito pala ang may-ari pizza parlor na ‘yon. “Kilala ko siya. Kuhanin mo na siya as additional crew,” anito habang papalapit sa kanila. “P-Pero, Sir. Puno na po tayo,” alanganing sagot ni Miss Kim. “It’s okay. Sagot ko na siya. Sige ako na ang kakausap sa kanya,”ani John sabay senyas kay Miss Kim na pumasok na. Napangiti ng alanganin si Sab. “A-Ah, hindi na. Salamat na lang,” aniya sabay talikod. Wala siyang tiwala kay John lalo’t isa ito sa barkada ni Zach. “Alam kong iniisip mo,” ani John. Bigla siyang napahinto. “Pasensiya ka na sa ginawa ng kaibigan ko. Hayaan mo akong makabawi sa’yo,” dugtong nito. Napabuga ng hangin ang dalaga bago siya muling humarap kay John. “Sincere ka ba sa sinasabi mong ‘yan? Kasi seryoso ako sa paghahanap ng trabaho para sa pan-tuition ko.” Ngumiti si John. “Alam kong kailangan mo ng trabaho. Huwag kang mag-alala, sincere ako sa pagtulong sa’yo. Gaya mo, iskolar din ako sa ZRU.” Kumunot ang noo niya. “Wehh? Mayaman ka ring tulad nila. Paano ka naging iskolar?” Natawa ang binata. “Talino ang basehan sa pagbibigay ng scholarship, walang kinalaman do’n ang status natin sa buhay.” Napangiti si Sab. Iyon din ang nabasa niya sa website ng campus noon. Hindi lang talaga siya makapaniwala na sa status nito sa buhay, mag-aabala pa itong magpakahirap sa pagkuha ng scholarship. “Hindi ka rin makapaniwala, noh?” ani John. Bahagya siyang tumango. “Ang mga kaibigan ko rin naman hindi inakalang mag-aapply ako ng scholarship.” Ngumiti si John. “Masarap kasi sa pakiramdam ‘yung hindi lahat inaasa sa magulang.” Napangiti si Sab. Mukhang parehas sila ng katwiran ni John. Sa patuloy nilang pag-uusap, nakilala niya si John. Hindi pala ito katulad nang inaakala niya. Taliwas ang ugali nito sa mga kaibigan nito. Mukhang matured ito at considerate. At dahil doon, nakunbinsi siya ni John na magtrabaho sa piizza parlor. Dahil wala na talagang bakanteng posisyon, kung saan-saan siya na-aassign. Naroon mapunta siya sa cashier, delivery, o ‘di kaya’y sa kitchen. Maluwag ang oras na ibinigay sa kanya ni John, kaya nagagawa niya pang pumasok sa karinderya tuwing gabi para makabayad sa mga nasirang kasangkapan doon. Iyon kasi ang kondisyon ng may-ari bago siya makaalis. Tinutulungan naman siyang magbayad ng isang kasamahan ng mga nanggulo sa karinderya pero hindi ganoon kalaki ang ambag nito. Nadamay lang din daw kasi ito. Naawa lang ito sa kanya kaya kusang lumantad at tumulong sa pagbabayad. Dahil nag-aadjust pa sa bago niyang schedule, hindi maiwasang makatulog ni Sab habang naghihintay sa susunod na klase. “Anyare, riyan?” ani Zach nang madaanang nakadukdok si Sab sa desk habang natutulog. Nagkibit-balikat lang si Jake na noo’y kasunod niya lang naupo. Bahagyang tinadyakan ni Zach ang silyang kinauupuan ni Sab kaya nagising ito. Tinapununan siya ng tingin ng dalaga pero hindi ito kumibo. “Bahay ba ‘to para matulog ka?” ani Zach. Pero sa halip na pansinin, inayos lang ni Sab ang silya atsaka ito bumaling sa kabilang side. “Hoy! Kinakausap kita!” ani Zach na muling tinadyakan ang paa ng silya ng dalaga Galit na tumayo si Sab atsaka siya hinarap. “Ano ba ang problema mo, ha?” “Bakit natutulog ka rito? Bahay mo ba ‘to?” Napabuga ng hangin si Sab atsaka umiling. Wala namang sense kung makikipagtalo pa siya sa papansing si Zach kaya inaya niya na lang na lumabas ang mga kaibigan niya. “Hindi pa ako tapos!” ani Zach sabay hablot sa braso ni Sab. Mariing iwinaksi ni Sab ang kamay niya atsaka tumingin sa kanya. “Ano ba’ng napapala mo sa pang-aapi ng tulad ko? Masyado kang maraming oras para guluhin ang buhay ko. Nagpapansin ka ba?” ani Sab. Natawa si Zach. “ Ako? Nagpapansin sa’yo? Ano ko? Baliw?” “Oo, matagal na. Ikaw na lang yata ang hindi nakakaalam,” ani Sab sabay alis. Napakagat sa labi si Zach na tila nanggigigil. Hahabulin niya sana ang dalaga pero agad siyang pinigilan ni John. “Tigilan mo na kasi. Nananahimik na ‘yung tao, eh.” Napakunot ang noo niya. “ Pards, umamin ka nga, may gusto ka ba sa bansot na ‘yon?” Napailing si John. “Wala ka na sa ayos, eh. Babae ‘yung tao, oh.” Natawa si Zach. “Mukha bang babae ang isang ‘yon? Tingnan mo ngang pumorma. Eh, mas pino pa nga akong kumilos do’n, eh. Kung hindi nga lang naka-pony tail ‘yon. Mapapagkamalan mo talagang lalaki.” “Ewan ko sa’yo!” naiiling na sabi ni John na noo’y lumabas na rin ng classroom. Patakbong hinabol niya ito. “Ano ba talagang problema, Pards?” aniya nang abutan niya si John. Tumigil si John sa paglalakad atsaka humarap sa kanya. “Ikaw, ano’ng problema mo? Magkasama tayo noon sa pambu-bully pero ni minsan wala tayong sinaling na babae. Pero nang dahil lang sa pagkakasaling ng ego mo, papatol ka sa babae? Umabot ka pa sa punto na tanggalan siya ng scholarship.” Napatiimbagang si Zach. “So, ano ‘yon? Kinakampihan mo na siya ngayon? Akala ko ba bestfriend kita?” “Exactly! Bestfriend kita, Zach. Kaya hindi kita hahayaan na umabot ka sa ganyan na pati babae, tataluhin mo na rin. Zach, hindi ka ganyang klaseng tao. Mali ang akala mo kay Sab, hindi niya kasabwat si Banjo. Nag-aambag lang si Banjo sa binabayaran ni Sab sa mga nasirang gamit sa karinderya,” mariing sabi ni John. “Paano mo naman nasiguro?” “Nabanggit sa akin ni Sab.” Mas lalo pang kumunot ang noo niya. Wala siyang kamalay-malay na close na pala ang dalawa. “At kailan pa kayo nag-uusap dalawa?” “Mga isang linggo na. Sa pizza parlor ko nagtatrabaho si Sab ngayon.” “What?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD