Sa nakikita nila ngayon kay Sab malakas ang kutob nila na nahulog na rin ang loob nito kay Zach. Mukhang nagtitiisan lang ang dalawa kaya nakialam na ang tatlo. Aware kasi sila na nagmumukmok lang din sa bahay si Zach mula nang masuspindi ito. Hindi na rin ito sumasama sa mga gimik nila. Pasimpleng kinuhanan ng picture ni Jake si Sab habang malungkot itong nakatanaw sa kawalan. Pagkatapos ay ipinadala nito kay Zach. “Master, mukhang nami-miss ka ng Sab mo,” sabi ni Jake. Napabangon si Zach mula sa pagkakahiga sa sofa nang mabuksan ang mensaheng ipinadala ni Jake. Lumabi siya na parang bata habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha ng dalaga sa picture. “As if naman ako ang dahilan ng lungkot na ‘yan,” bulong niya atsaka niya ibinaba ang phone sa lamesita. Muling tumunog ang cell ph

