Chapter 3- Kawawang Sab.

1092 Words
Tumayo si Zendy at nakipagsukatan ng tingin sa kanya. “Ano pa ba’ng proof ang kailangan mo? Nasa bag mo nga ‘di ba? Itatanggi mo pa,” anito na nagtaas pa ng kilay. “Hoy! Tama na ‘yang drama na ‘yan. Sumunod ka raw kay Ma’am,” ani Zach na noo’y namagitan na sa kanila. Nagtitinginan kay Sab ang mga estudyante habang naglalakad siya papunta sa faculty room. Kinabahan siya noon pero hindi siya nahihiya. Alam niya sa sarili niyang wala siyang ginawang mali kaya bakit siya mahihiya. Pinagpapaguran niya ang bawat resulta ng mga exam niya at hindi ‘yon resulta ng sinasabi nilang pandaraya. “Miss Perez, can you explain this to me? Paano napunta ito sa bag mo?” tanong ng guro nang ibagsak sa harapan niya ang test paper na naglalaman ng tamang sagot sa test. Dahan-dahang napaupo si Sab. Paano nga ba ‘yon napunta sa bag niya? “Hindi ko po alam, Ma’am.” Nanginginig na noon ang boses niya pero pilit siyang nagpapakatatag. “Paanong hindi mo alam? Ikaw mismo ang kumuha niyan sa bag mo kanina? How come na napunta ‘yan doon?” Napailing si Sab. Totoo namang nasa bag niya ‘yon. “Ma’am, alam ko po na mahirap paniwalaan. Pero hindi ko po talaga alam kung paano napunta sa bag ko ‘yan. Ma’am, bago lang po ako sa school na ‘to. Hindi niyo pa po ako lubusang kilala. Wala pa po kayong mapapagbasihan kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Pero sana naman po, Ma’am, bigyan niyo po ako ng chance para patunayan ang sarili ko. Willing naman po akong ulitin ang exam para lang patunayang inosente ako. Hindi po biro ang pinagdaanan ko para makapasok sa school na ‘to. Alam niyo naman pong hindi ganoon kadaling makapasok sa scholar, kaya bakit ko naman po sisirain ang sarili ko?” Tumango-tango ang guro. “Wala ka bang nakakaaway sa klase niyo na pwedeng mag-set up sa’yo?” Bigla siyang natigilan. Bakit hindi niya nga ba agad naisip ang posibilidad na ‘yon. Kung sigurado siyang hindi siya ang may gawa noon, malamang na may gumawa noon para mapahamak siya. Namilog ang mga mata niya nang bigla niyang maalala si Zach. “Si Zach, Ma’am,” biglang nasambit niya. “Siya lang po ang pwedeng gumawa noon sa akin.” “Si Zach? Ang apo ni Mr.Ravales?” “Yes, Ma’am.” “Nasisiguro mo bang si Zach ang may gawa? May pruweba ka ba? Masama ang basta na lang nagbibintang.” Tila walang buhay na napailing si Sab. Sigurado siyang si Zach lang ang pwedeng gumawa noon sa kanya pero wala siyang edidensiya na magdidiin kay Zach. “ I’m sorry, Miss Perez, but for now, kailangan muna naming i-lift ang scholarship mo.” “Pero, Ma’am. Wala naman po akong ginawang masama. Hindi naman po ako nag-cheat.” “Alam mo namang mahigpit ang school sa mga ganyang isyu, lalo na sa inyong mga scholar. Let the school investigate about it. Kung talagang inosente ka, lalabas at lalabas naman ang totoo. At maibabalik sa’yo ang scholarship mo. If I were you, kunbinsihin mo si Zach na aminin ang totoo kung talagang siya nga sa palagay mo ang may gawa.” “Imposible naman pong umamin ang isang ‘yon, Ma’am.” “Then find someone na maaring nakakita nang pangyayari, iharap mo sa akin,” hamon ng guro sa kanya. Sana nga kung ganoon lang kadaling humanap ng witness. Takot lang ng mga kaklase niya na kalabanin si Zach. Kahit pa may nakakita, sigurado siyang walang magkakalakas ng loob na kalabanin si Zach. Todo ang ngisi ni Zach habang naglalakad sila sa hallway. “Jake, alamin mo nga kung sino ang nag-email sa akin ng leakage ng exam,” utos niya. “Sus, easy lang ‘yan, Master. Leave it to me. Ano’ng gagawin ko kapag nalaman ko kung sino ang unonymous sender na ‘yon?” “Padalhan mo ng mga regalo,” ani Zach. “Seryoso?” nangingiting tanong ni Jake. “Oo naman. Ang galing kaya ng ginawa niya. Pinadali niya ang lahat sa akin. Wala na akong aalalahanin. Sigurado akong sibak na sa scholar si Sab,” nakangiting sabi niya. “Grabe naman yata ‘yon. Wala namang kasalanan si Sab,” ani John na bigla nakaramdam ng awa sa dalaga. Sa mga pambu-bully ni Zach tahimik lang siyang nakamasid pero hindi sa sitwasyong iyon. “Pards, inunahan ko lang naman siya, eh. Nakita ko kaya siyang nakikipag-usap sa nakaaway natin noon sa bar, ‘yung humabol sa atin.” “Nakita mo lang naman silang magkausap, nag-isip ka na agad nang hindi maganda. Paano kung nagbabayad lang pala ‘yon ng danyos sa nasira nila sa karinderya?” napailing si John. “Ano ba ang kayang gawin sa atin ni Sab? Pards, babae pa rin si Sab. Hindi niya kayang gawin ‘yung iniisip mo.” Kasalanan niya ‘yon. Masyado kasi siyang maangas!” ani Zach. “Ipinagtatanggol niya lang ang sarili niya,” ani John. Natigilan si Zach. “Kakampi pa ba kita o kaaway?” tanong nito. Napailing si John. ”Nagbulag-bulagan ako noon sa mga pambu-bully niyo kahit labag sa loob ko, pero iba na kasing usapan ‘yung sirain mo ‘yung kinabukasan ng tao. Hindi mo na siya dapat tinanggalan ng scholarship.” Natawa si Zach. “Pards, hindi ako ang nag-alis sa kanya. Kaya kalma ka lang.” Umiling si John. “Oo, hindi mo nga siya pinatanggal. Pero ikaw ang may gawa kung bakit siya natanggal.” Napaawang ang mga labi ni Zach. First time siyang sinagot nang ganoon ni John. “Pards, okay ka lang ba?” kunot ang noong tanong niya sabay hipo sa noo ni John. Madilim ang mukhang hinawi nito ang kamay niya. “Gawan mo ng paraan ‘yan. Maawa ka sa tao,” ani John atsaka sila iniwan. Alam ni John kung gaano kahirap makalusot sa scholarship exam ng ZRU. Dahil isa siya sa scholar ng school. Daig pa nila ang lumulusot sa butas ng karayom sa higpit ng screening, at para makapasa ka, ibig sabihin hindi ka lang basta matalino, matiyaga at masipag ka rin. “Anong problema nun?” ani Zach habang nakatanaw kay John na naglakad nang mag-isa palabas ng gate. “Huwag mo na ‘yung pasinin. Malamang na-sermunan na naman ‘yon sa kanila,” ani Jake. “Tara! Late na tayo,” ani Paul na nagpatiuna na ring maglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD