"Hindi ko nagustuhan ang bunganga ng babaeng ito! Napaka walang awa, wala ring dignidad! Dapat sa mga ganitong babae ay winala sa landas" "Don't hurt her" Naramdaman ko ang presensiya niya na papalapit. Minulat ko ang mata. Tinignan ko siya gamit ang blangkong tingin ko. Naabutan ko agad ang napaka talim na titig niya sa akin, bago sa kanyang ama na nag pupuyos parin sa galit. "Ito ba ang sinasabi mong babaeng pinagmamalaki mo sa akin na tinuruan ko sa tamang landas? She didn't even have those on her self. Nakakahiya ang babaeng ito" Tinuro ako ng ama niya Kinagat ko ang labi. Nauubusan na ako ng sasabihin dahil sa pinukol na galit ni Draizen ngayon sa akin. May galit siya sa kanyang mata habang mariin ang titig sa ama. Mas lumalala lang kapag nakaharap na ako. Kulang nalang isumbat

