Pinagmasdan nila ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung saang direksyon lilingon o kung pa'no itatago ang mukha ko sa takot na baka makilala nila ako. 'Yung lalaking blond hindi pa nga nakuntento, talagang lumapit pa siya sa'kin at kulang na lang halikan na ako sa liit ng distansya namin sa isa't-isa. Hinila ako ni Valerio para itago sa likuran niya. "She's not with the mafia. She's a temporary aid; pansamantalang secretary ko sa headquarters habang naghahanap ako ng iba." "But Hunter is right." tukoy no'ng naka-dreadlocks sa kaibigang long hair at mahina magsalita. "I swear I've seen her somewhere hindi ko lang maalala kung saan. Hmm, saan mo ba siya nakuha, Don?" "It's none of your business. She's not involved in the syndicate that's all you have to know." Nagulat ako sa bigla

