Chapter 24: Samantha's Fear

1193 Words

'Yung kaninang nag-aalab sa init na motel room ngayon ay napuno ng asaran at tawanan. Nakasalampak kami sa kama, nagkalat ang lipstick, eyeliner, at mga baraha sa kutson. Gusto ng kliyente kong si Valerio ng pahinga kaya nagbigay ako ng kakaibang klase ng 'aliw' sa kanya. "Pa'no ba 'yan? Mukhang na sa'yo na naman ang unggoy." Nakangisi akong naglapag ng magkapares na baraha. Napakamot siya sa ulo. Hindi ko mapigil ang tawa ko nang pagmasdan ang puro drawing niyang mukha. Bumunot siya ng baraha sa paubos nang deck; umaliwalas ang mukha niya sa nakuha. "'Wag kang pakasisiguro sa panalo mo. Hindi pa tapos ang laban." Nagbaba siya ng pair of cards. Dalawa na lang ang natira sa kanya. "Confidence ruins the chances of you winning the battle. Kapag kumpiyansa ka nagiging pabaya ka." Natawa ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD