Tumikhim si Nyx. "Alam mo kasi Samantha kaming mga lalaki hindi kami palakuwento—" "—kapag walang alak?" pagtutuloy ko sa sasabihin niya. Pilyo siyang napangiti, lumabas ang pangil. Napairap ako at bumaling sa serbidor. "Kuya, isang bucket ng beer, please." Pagdating no'ng order sa table namin ay binigyan ko siya ng alak at naglaan ako ng isa para sa sarili ko. "Wait, iinom ka?" he asked in amazement. Tinungkab ko 'yung takip na tansan, walang kahirap-hirap na binuksan 'yung beer at saka 'yon tinungga na akala mo'y si Samara ako at nagtatrabaho ngayon sa club. Napasipol siya sa sunod-sunod kong paglagok. "Hindi ba ako puwedeng sumabay sa'yo?" tanong ko pagkatapos, naginhawaan ang lalamunan sa malamig na alak. "Bold of you to drink in public. Akala ko bawal uminom ang mga teacher?" Na

