Chapter 25 Matapos namin manuod ng movie ay nag-paalam na nga kami ni Joy. Nag-insist naman siyang ihatid kami kaso ako na lang ang umayaw. Naisip ko kasi, siguro nga tama si Joy. Kailangan ko siyang layuan. "Salamat sa movie. Nag-enjoy ako." Sabi ko at nginitian si Zake. "Yeah." Simpleng sagot nito. "Close the door brother." Sabi ni Zia sa likod niya. "I'll text you, okay?" Sabi nito. Hindi na lang ako sumagot at isinara na niya ang pintuan ng taxi. Bumuntong hininga naman si Joy sa tabi ko. "May problema?" Tanong ko. "Oo. Why Zake acting like that?" Tanong niya at tinignan ako. Nagkibit-balikat na lang ako, kasi kahit naman ako hindi ko alam. "I don't know either." Sabi ko. "Nagiging playboy siya ah. Dati naman hindi yan ganiyan." Sabi ni Joy at tumingin sa kabilang window. "

