Chapter 49 Para akong nanigas sa narinig. Darating si Zake? Bakit? "Ano?!" Halos masigawan ko si Joy sa naging reaksyon ko. "I'm sorry Amielle, nasabi ko kasi kanina kung nasaan tayo. Saka, he really wants to see you. Maybe for the last time." "Joy naman." "Please, Amielle. Para sa ikakatahimik niyong dalawa. Wala akong experience when it comes to break up pero please, bago man lang kayo magkalayo mag-ayos muna kayo. Tapusin niyo." "Joy naman, ikaw nga ang pinunta ko dito." Huminga naman siyang malalim, "Teh, wag ka na maarte. Okay lang ako, atsaka. Ayan na siya. Tatanggi ka pa?" Pinigilan ko namang tumayo siya, napatayo din ako. Gusto ko siyang sabunutan. Jusqo, medyo thrilled itong babae na 'to. Ano bang pinakain ni Blake dito? May nangyari lang sa kanila ganito na? Naging bugaw

