Chapter 18 "Ang ganda naman ng Kapatid ko, mana ka talaga kay Mama." Sabi ni Kuya Vince. Tss! Inuuto nanaman ako. "Grabe yang may debut sa inyo ah! Mayaman siguro." Sabi naman ni Kuya Victor "Para ka namang bobo Kuya e, magpaparty ba yun kung hindi mayaman. Pinsan ni Zake yun diba?" Tanong ni Kuya Vince. "Oo, princess yun sa school kaso hindi kami nag-kakausap." Sabi ko naman at inayos ang bestida ko. "Tss. Lakas talaga ng topak ng eskuwelahan nyo no?" Sabi naman ni Kuya Vic. "Bat ikaw Amielle? Hindi nasama don? Maganda ka naman ah!" Sabi ni Kuya Vince. "Huh? Haha. Para sa mga 4th year student lang kase iyon. 3rd year pa lang naman ako Kuya!" Sabi ko at inayos ang buhok ko. "Sus. Umaasa ka naman na mapapasama ka bilang Princess sa inyo." Sabi niya. "Alam mo Kuya! Kung hinahatid mo

