Chapter 43 Monday nanaman. Nag-ayos na ako nang sarili at saka bumaba. Nakita ko naman ang dalawang kuya ko. Nung nakaraan ay hinayaan na nila makatulog si Zake sa sofa namin dahil sinabi kong pagod ito dahil sa bakasyon namin. "Amielle, sabi ni Mom, bumisita tayo sa kanila ni Daddy." Sabi ni Kuya Vince. "Pupunta tayong California?" Tanong ko. "Yep, 1 week before Christmas day." Sagot naman ni Kuya Victor. "I'm good, I miss Mom." Sagot ko. Tumango naman sila. Umupo na ako at sumabay sa kanila para kumain. Tinext ko naman si Zake na huwag nang dumaan dito dahil ihahatid ako ni Kuya Victor sa school. Nang marating ko ang eskuwelahan ay nag-goodbye kiss na ako kay Kuya bago bumaba. Nakita ko namang nag-uusap sila Joy at Blake. "I'm really sorry, ginusto ko iyon, not because you're gre

