Chapter 41 "Are you happy?" Tanong ko kay Joy. Tumango naman siya bilang sagot. "Oo. Ikaw ba?" Aniya. "Oo." "Sayang lang at wala si Feptz. Pero ano pa nga ba? Siguro hindi pa din niya narerealize mga ginagawa niya. I miss her pero nang gawin niya sa akin iyon. Parang nakalimutan niyang kaibigan niya ako." Tinap ko naman ang kaniyang balikat. "Enough na 'yung drama. Mas mabuti pa, mag-enjoy tayong dalawa. Gusto mo zip line?" Masayang sabi ko sa kaniya. Umiling naman siya. "No, Amielle, alam mong takot ako sa heights." "It's better to face your fears." Sabay hatak ko sa kaniya. "Ayaw ko..." "Sige na, please?" "Ayaw, takot nga ako." Sabay bawi sa palapulsuhan niya. "Ang kj." Sabay simangot ko. "E, alam mo naman hindi ko hilig yan. Hindi naman ako tulad ni Feptz, e." Tumango na

