Chapter 5
Amielle's POV
Naalimpungatan ako nang marinig ang pag ring ng alarm clock. Ilang beses ko pa iyon pinatay. Bago tuluyan dumilat.
"Argh!" Sabi ko at minulat na ang mata.
Hinawakan ko ang aking bilog na alarm clock at tiningnan ang oras. Agad akong napaupo nang makita kung anong oras na ngayon. s**t!
"Waaaaahh!!!!" Sigaw ko.
OMG! Late na ako. First day na first day. Naman oh! Dali-dali akong naligo at nagbihis. Pagkababa ko kumakain palang sila Kuya.
"Oh! Bunso parang nagmamadali ka ata." Aniya Kuya Vince.
"Oo nga Bunso. Maaga pa!" Sabi ni Kuya Victor.
"Hindi Kuya. Past 8 na tignan mo?" Sabay turo sa orasan sa likod.
"Bunso. Maaga pa! Tignan mo 6:30 pa lang. Anong alas-otso?" Tanong ni Kuya Victor. Napatingin naman ako sa wall clock namin.
Bakit ganon? Alasais pa lang dito? Bakit sa alarm ko 8 na?
"Kumain ka muna Bunso." Sabi ni Kuya.
"Oo nga Bunso. Tsk! Malabo na ata mata mo eh. Aga-aga pa nagmamadali ka." Sabi ni Kuya Vince.
"Im sure. Tulog pa mga prof. mo." Sabi ni Kuya Victor.
"Sabay kana sa amin Bunso. Hindi ka namin hahayaan magcommute." Sabi ni Kuya. Nagnod naman ako at umupo na para kumain. Badtrip! Halos mag-aligaga ako kakamadali tapos ang aga pa pala!
Habang kumakain hindi ko mapigilang tumawa. Hahaha! Kuwento kasi ni Kuya Victor nung nasa simbahan kami at kailangan nyang magCR.
"Oh? Bakit parang nagpipigil ka ng tawa dyan?" Tanong ni Kuya Vince.
"May naalala lang..Pffft!"
"Ano yun Bunso?" Tanong ni Kuya Vic.
"Y-yung nangyari sayo kahapon. Pfft! Haha.."
"Tumigil ka bunso ha? Ang aga-aga." Sabi ni Kuya Vic.
"Haha! Nakakahiya ka talaga Kuya. Lalo na dun sa babae.." Singit ni Kuya Vince.
"Tumigil nga kayong dalawa.." Sabi nya.
"Haha! Sorry Kuya.. Dapat kasi hindi mo na lang sinabi sa amin. Haha!" Tawa ko.
"Haha! Oo nga naman. Yan tuloy pinagtatawanan ka namin. Haha!" Kuya Vince. Tinignan naman kami ni Kuya Victor ng masama. Okay! Shut up na..
"Kj ka Kuya.." Sabi ko.
"Tsk!" Aniya Kuya Vic.
"Eto naman. Biro lang namin yun eh.." - Kuya Vince.
"Oo nga naman." Sabi ko at nagpouty lips.
"Eh kasi naman eh.." - Kuya Vic.
"Ano?" Tanong ni Kuya Vince.
"Nakakahiya kaya. Hindi ko man lang napigilan sa harap ng babae. Malupit pa ang ganda at sexy.." Sabi ni Kuya Vic. Napatawa naman kami sa pagkakasabi nya.
"Hahahahaha! Sa susunod kasi Victor bago umalis magbanyo.." Pang-aasar ni Kuya Vince.
"Hahaha! Siguro tawa ng tawa yung babae. Haha!" Sabi ko.
"Tumigil ka Amielle Vianna.." Pagbabanta ni Kuya sa akin.
"Hilingin mo wag ng magkrus landas nyong dalawa. Hahaha!" Sabi ni Kuya Vince.
"Isa ka pa Jousha.. Tsk!" Sabi ni Kuya Victor.
Natapos naman kami kumain na inaasar pa din si Kuya. Haha! Inis na inis na nga sya eh..
"Sakay na Bunso.." Sabi ni Kuya Vince.
Sumakay naman na ako sa koste ni Kuya Victor.
- Saint Harvest Academy -
Pagdating ko sa school. Dumiretso na ako sa Auditorium. Usually dun kasi ginaganap ang mga orientation kesa sa Gym.
*Bzzzt Bzzt*
| Open |
From: Feptzam ;)
Going To School ^^, Have a safety trip.
Joy / Kita na lang tayo sa Auditorium..
Amielle / Saan Kana Bruha?
Groupmessagess
# CRUSH ^^
| End |
Hays! Papunta pa lang sya.. Rineplyan ko naman yung mention nya sa Gm nya. Si Feptzam mahilig sa lovelife yan. Charotera yan eh. Habang si Joy naman ay takot sa commitment. Nakakaloka no? Ako kasi ayoko nyan. Masasaktan lang ako, Study muna! Good girl ako eh.
"Look who's here girls?" Napatingin naman ako. Tsk! Ang meanie girls.
"How poor. Walang kasama" Sabi ni Mariel.
"May nakita ka ba?" Sarcastic na sabi ko.
"Sinasagot mo ba ako?" Tanong ni Mariel. Tsk! Hindi ba halata?
"Tara na Guys! Nagsasayang lang tayo ng oras sa babaeng yan.." Sabi naman ni Cherry.
"Come On.." Sabi ni Camille.
Grrrr..! Nag iiba talaga ako kapag sila kaharap ko. Akala mo naman kung sino reyna sa school. Para sabihin ko sa kanila prinsesa at prinsepe ang naghahari dito.
"Hoy!"
"Ay kalabaw.."
"Kalabaw agad? Di ba pwedeng aso muna.." Sabi ni Joy. Bwiset tong isang to eh. Ginulat ako!
"Oo kalabaw agad.."
"Aga mo ata. Excited makita si Zake?" Sabi nya. Baliw talaga to.
"H-hindi ah! Si sungit gusto ko makita? D.U.H.H!" Sabi ko.
"As if namang hindi. Excited mo na nga makatabi ang iyong ' Seatmate ' " Sabi nya.
"Malay mo may bagong L na makatabi. Hindi lang si Zake!" Sabi ko.
"Malay lang yun. Haha!" Sabi nya.
"Hi mga Chuvaaaa!" Sigaw ni Feptzam. Hyper as ever.
"Nag almusal kaba?" Tanong ko.
"Oo naman.Tingin mo sa akin pulubi?" Sabi nya.
"Hindi. Tsk! Parang hindi ka kasi nakakain ng almusal mo. Ingay aga-aga.." Sabi ko.
"Grabe naman. Excited lang pumasok sa SCHOOOOL!" Sabi nya.
"Halika na. Pasok na tayong Auditorium at baka magwala eto" Sabi ni Joy.
"Grabe kayo!" Sabi ni Feptzam.
Matapos ang mahabang orientation ay pinapasok na kami sa classroom. Usually ayan daldalan, Kumustahan, Chikahan at harutan. Naupo na ako sa seat sa likod. Hindi pa naayos yung sitting
arrangement kaya pwede kahit saan.
"Amy! Nakita mo si Zake?" Tanong ni Feptzam.
"Hindi.. Baka sa ibang school nagenroll." Sabi ko.
"Hindi hindi maari.!!!" Sigaw nya. Parang eng-eng talaga to!.
"Hoy! Ayan na hinahanap mo oh!" Sabi ni Joy.
"Ow!" Sabi ni Feptzam.
Bakit ganun? Unting unting bumibilis yung t***k ng puso ko. Nagkakaroon ng slow motion at parang kaming dalawa lang ang nasa mundo..
"Oy! Pre.. Wow! Dami pala chix dito." Sabi ng isang Lalaki kasama ni Zake. Kelan pa nagkaroon ng kaibigan tong loner na to?
"Witweew!" Yung isang lalaki naman.
"Kyaaaaaahhh!!! Ang popogi..."
"Omigod! Lalong pumogi si Zakeee!!"
"I wanna die.."
Sabi ng mga kaklase ko yan. Parang ngayon lang nakakita ng Lalaking gwapo.
"Hi girls. Karl Jeffrey here!" Sabi nung isang kasama ni Zake.
"Blake Santos here naman!" Sabi nung isa. Mukang mga Playboy! Oh come'on si Zake nga Cassonava sila pa kaya. DUHH!
"O'May Gwapo!" Sabi ni Feptzam habang lutang.
"Sayo na sila ha? Bigay mo na si Zake kay Amielle.." Sabi ni Joy. Siniko ko naman sya.
Si Joy ang may alam na may Crush ako kay Zake. Si Feptzam kasi masyadong baliw kay Zake eh kaya baka pag nalaman nya mag-away pa kami. Tsaka crush lang naman imposible namang umimprove pa yun. Tignan nyo nga isang tahimik na tao, Hindi pala kibo tsaka masungit. Sinong tao magkakagusto dyan? Pero kung titignan sa looks.. Gwapo, Chinito, Mascular at Kissable Lips..
Shut up! Amielle na nga!
Pero sa totoo. Crush ko sya malabo namang magkaCrush din yan sa akin halos tingin nga nyan sa akin stupid eh. Freak daw ako!
"Good morning class.." Sulpot ng isang teacher. Ang ganda, ang Sexy at ang tangkad. Pero mukang terror!
"Chixx pati teacher.." Bulong ni Blake. Nasa likod lang kasi namin sila Zake at ang mga kaibigan nya.
"Good morning Ma'am---" Hindi natapos ang pagbabati namin dahil hindi namin sya kilala..
"I'm Ms. Nica Hartner but call me Ms. Nica.." Sabi nya.
"Good morning Ms. Nica" Bati namin.
"Good morning. Eto ba ang 3-Gold?" Tanong nya.
"Yes ma'am" Sabi namin.
"Okay. You may now take a sit" Sabi nya. Umupo naman kaming lahat.
"Ang ganda pala dito sa school nyo Zake.." Bulong ni Karl.
"Tsk..!" Sabi ni Zake.
"Dahil ngayon lang tayo nagkita kita. I'm your new teacher in History and your adviser in the whole year." Sabi ni Ma'am.
"From now on. Please ready yourself and introduce yourself in this platform." Sabi ni Ma'am. As usual sa first day of school.
Unang tumayo yung kaklase ko at nagpakilala. Nang nasa row na namin..."Hello everyone! I know some people know's me. I'm Feptzam Mary Angela Galolo Just call me Feptzam" Sabi ni Feptzam.
"Your name is unique huh? I like it." Sabi nung teacher namin. Naupo naman si Feptzam. Tumayo naman si Joy.
"Hi there. I'm Joy B. Boongaling" Sabi naman ni Joy. Tumayo naman ako para magpakilala.
"Hi there. Were sorry for being late" Sabi ni Camille na nasa pintuan ngaun. Saan naman kaya nagsusuot to?
"What's your name Ms.?" Tanong ni Ma'am.
"Im Camille Sestoso" Confident na sagot ni Camille.
"I'm Mariel Madarcos" Pakilala ni Mariel.
"I'm Cherry Prets Espinosa" Sabi ni Cherry.
"So you three girls. First day of class, you're late. Sa susunod ayoko ng maulit ito. Understood?" Sigaw na sabi ni Ma'am
"Yes Ms." Sabi nila at dumiretso na sa upuan.
"Nakakahiya naman yung mga yun" Bulong ni Karl.
"Kebabaeng tao late" Bulong ni Blake.
"Yaan muna. Sila naman napagalitan eh.." Sabi ni Karl.
"Okay. Where are we?" Tanong ni Ma'am.
"Ah-uh---"
"Okay Miss. Introduce yourself." Sabi ni Ma'am sa akin.
"Hello Everyone. Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin I'm Amielle Vianna Lacson. Nice meeting you all" Sabi ko at nag-bow.
"Nice Introduction huh? Okay Next!" Sigaw ni Ma'am. Tumayo naman si Sungit / Zake dahil sya ang sunod
"Kyaaahhh! Ang gwapo mo Zakee!" Sigaw ng mga kaklase ko.
"Waaaah! Zake ang hot mo.."
"CLASSS QUIET!!" Sigaw ni Ma'am.
"Ano ba? Kanina ko pa kayo sinasaway? Ngaun lang nakakita ng gwapo?" Tanong ni Ma'am.
"Okay . Mister start now." Sabi ni Ma'am.
"Zake Lupert Lacuesta." Sabi nya at pamulsang umalis sa platform. Ay bastusan?? Yun lang?
"Next!" Sigaw ni Ma'am.
Terror mode : ON
Iba na ang aura ni Ma'am.
"Hello Girls! Karl Jeffrey!" Sabi nito at kumindat pa ito.
"Waaaahh--"
"Shut up! Guys! Ano ba?!" Sigaw ni Ma'am.
"Next!" Sigaw nito.
"Blake Santos."
Hanggang sa natapos naman ang introduction. Mukhang magiging mahigpit to sa amin dahil ngayon pa lang ganito na siya. Well, It's better kesa sa mga boring na teacher na puro turo lang. Sumunod naman pinaayos ni Ma'am sitting arrangment.
"Lahat ng AB dito sa harap! Alternate boy and girl.."
"Awww!!" Angal ng mga kaklase ko.
"May aangal?" Mataray nyang tanong with matching taas kilay.
"Wala po!" Sabi nila.
"Okay. Mga L dito! I mentioned some names.. Lacson, Amielle Vianna dito ka sa may bintana.." Pumunta naman ako sa may bintana. Row 5. Ang itsura kasi ay meron sa gitna pero tigdalawa lang tapos meron sa dalawang gilid tig-apat..
"Lacuesta, Zake Lupert dun ka sa tabi ni Amielle at ikaw naman Karl Jeffrey sa isa. Tapos sa gitna nyo ni Zake at Ikaw ay si Mariel Madacros.." Sabi nito.
Bali gento kalalabasan ng sitting arrangement namin.
Second Vertical Row.
Eto yung dalawahan lang.
| Blake Santos | Joy Boongaling |
| Camille Sestoso | Vacant Seat |
| Boy Classmate | Cherry Prets |
Third Vertical Row
| Girl | Boy | Girl | Boy |
| Boy | Feptzam| Boy | Girl |
| Girl | Boy | Girl | Boy |
| Boy | Girl| Boy | Girl |
| Karl | Mariel | Zake | Ako |
Ganyan! Nakakainis. Ang layo nila Joy at Feptzam sa akin.
"Okay. See you tomorrow. You can take your break." Sabi ni Ma'am.
Nakakainis. Bakit ganun walang L na bago? Kami pading dalawa? Hindi sa ayaw ko siyang makatabi. Ang kaso hindi nanaman tatahimik puso ko neto.