“You’re right. I had two girlfriends. One almost became my fiancé.” Almost. Almost became his fiancé. Ibig sabihin ba ay hindi niya naging fiancé si Gianna? Pero bakit ex- fiancé ang tawag ni Gianna kay TJ? I’m not sure who’s telling the truth now. At mas lalong hindi ko alam kung bakit parang nagiging open book si TJ sa akin ngayon. Parang kahit anong tanungin ko ay nakahanda siyang sagutin. Pero noong unang beses na nagkakilala kami, kailangan ko pang manghula para malaman kung anong tumatakbo sa isip niya. “Ah okay, okay,” sabi ko na lang na para bang hindi interesado. Naghikab na ako. Kunwari’y inaantok bago tumayo. “Sige, ingat ka na lang po sir sa byahe. Matutulog na ‘ko.” At naglakad na ako papalayo nang hawakan niya ang kamay ko. Tuloy ay agad niya akong napahinto. Heto na

