Sa lahat ng mga bagay na pwede kong paghandaan, ang pagkamatay ang hindi ko napagisipan nang mabuti. Siguro’y dahil alam kong hindi pa ako handang mamatay. Masyado pa akong bata. ‘Ni hindi ko pa nga natutupad ang pangarap ko. Ano na lang ang sasabihin ko kapag nakaharap ko na si Papa? I still want to fulfill our dreams kaya hindi pa ako pwedeng sunduin ng kahit sino! Nang magbukas ang pintuan ng kwarto, natigilan ako pagpasok ng babaeng nakaputing dress. Dito na ako naiyak. Baka ito na nga ang sundo ko. “Ayoko pa po…” I muttered. Pinipigilan ko ang paghikbi para maunawaan nito ang pakiusap ko. “Miss--” “Ayoko pa pong sumama! Marami pa po akong pangarap! Gusto ko pa pong magkaroon ng asawa at anak. Gusto ko pa pong makita ang mga apo ko!” Everything that happened in my life for t

