“Why are you hiding here?” malamig na tanong ni TJ sa akin bago in-offer sa akin ang kanyang kamay at inalalayan akong tumayo. “Ah… ano lang. May ano po--” Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa ibang direksyon. “Nawawala ‘yong hikaw ko. Hinahanap ko lang!” Pagsisinungaling ko. Kumunot naman ang kanyang noo. “I haven’t seen you wearing earrings since the first time we met.” Patay! Malay ko bang kahit ganito kaliit na detalye tungkol sa akin ay napansin pa niya. Kapareho lang ito ng sapatos ko noon na hindi ko inasahang natandaan pala niya. Tama siya, I don’t wear jewelry. I just don’t see them as a necessity. Naiilang akong tumawa. “Nagsuot ako kaninang umaga, Sir. Pero sige balik na po ako sa trabaho, mukhang wala naman pala rito ang hinahanap ko,” sabi ko sa kanya bago siya nilag

