Gabi na pero nagtatrabaho pa rin sila. Napatingin ako sa oras sa phone ko at napagtantong uwian na dapat nila kung tutuusin. Sobra na sila sa eight hours of work. Pero sa itsura nila ngayon ay parang wala pa nga silang balak umalis gaya ng sinabi nung mga nakasabay ko sa elevator. Kung ang iba’y nagsisiuwian na, para bang nasa kalagitnaan pa lang sila ng araw. Humawak ako sa handle ng pinto at dapat sana’y bubuksan na ito para makausap si TJ nang matigilan ako bago ko pa man ito magawa. Para kasing narinig ko ang sinabi ni Gianna sa isang audio file na napakinggan ko. When TJ’s under so much pressure, she said it’s best to leave him alone. Binitawan ko ang handle ng pinto at napayuko. Tumalikod ako at aalis na lang sana nang maalala ko naman ang sinabi ni Helen sa akin. Ayaw na ayaw

