Hindi ako sigurado ngayon kung magandang ideya bang makinig sa mga audio file ni Gianna para hindi ko muna maisip si Helen at ang mga sinabi nila Trisha sa akin. “One thing I love about TJ is that he can learn about almost everything. For example, whenever I’m craving for a delicious meal on my cheat day, he always tells me that he wanted to cook for me. Kaya inaral niya talaga kung paano magluto. Ginawa niya ‘yon para sa akin.” Naalala ko noong gabing pinagluto ako ni TJ ng seafood pasta. Tanda kong napagusapan din namin ang tungkol sa kakayanan niyang magluto at ang sabi niya’y inaral lang niya ito. And with what I heard from Gianna, now I wonder if she’s the reason why TJ decided to learn how to cook in the first place. At dahil dito’y naramdaman ko na naman ang pagkirot ng puso ko

