Phae NAIS kong matawa sa sarili ko dahil sa itinakbo ng isip ko matapos ang naudlot naming kissing scene ni Scor. Pilit kong isinisiksik sa utak ko na kahit pa wala na kami ni Hera ay wala pa rin akong karapatan makipag-flirt kay Scor dahil engaged na siya! Mali parin. Kahit pa sabihin ng lalaking iyon na 'perfect’ kami para sa isa't isa, hindi parin talaga pwede! Unless, totohanin niya ang bantang makikipaghiwalay kay Hera. . . No! Hindi pwede! Hindi ako papayag na gawin niya iyon kay Hera! Masasaktan siya. And I cannot allow that. Hera lost too many people in her life, I don't want her to lose Scor, too. Ayokong bigyan siya ng dahilan para mag-self destruct mode na naman! Tama na siguro na maging magkaibigan kami ni Scor. Kalabisan nang isipin na pwede kaming maging lovers dahil lan

