Phae NAGULAT ako kinabukasan nang madatnan ko sa sala si Ram. Pangalawang araw ko na siyang nakikitang pabalik-balik dito sa Pangasinan sakay ng private chopper. Siguro ay nagkakaroon na ng development sa kaso ng asawa niya. Sana naman ay mahuli na ang iba pang salarin sa pagkidnap at pag-r**e kay Charlie. Kung sino man ang kasabwat ni Viktor sa kalokohan na ito. I went down and joined him for breakfast. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala pa rin sa asawa ngunit mukhang okay naman siya kumpara noong nawawala pa si Charlie. "So, how are you? Binubwisit ka na naman ba ni Scor?" tanong niya sa'kin. In all fairness to Kuya’s friends, lahat sila mabait sa’kin. Kung ituring nila ako ay parang nakababatang kapatid na rin nila. “Sabihin mo lang, babangasan ko ‘yang bugok na ‘yan.” I chuckled an

