Hera I tossed the cigarette butt on the ground and stepped on it. Ibinuga ko ang usok at sumandal sa kotse ko. Noon ako nakarinig ng tumawag sa pangalan ko. It was my ex-adopted brother, Noah. Ngumiti ako nang tipid sa kanya at lumapit siya sa’kin. "What is this about, Kuya? What do you want to talk about?" Noah winced nang tawagin ko siyang kuya ngunit agad din siyang nakabawi. "I heard mom's sick." "It's just a flu, she's okay now," I answered, shrugging. Galing na ako sa bahay noong isang araw at nakita kong malakas na ulit si mommy. She caught something from one of her philantropic escapades. "Anything else?" pasupladang tanong ko. Umiling si Noah at tinapunan ako ng nakikiusap na tingin. My brother hadn't changed much. Mas tumikas lang ang katawan niya ngayon dala ng madalas na pa

