Chapter 28 “Pasensiya na, Alejandro. Pasensiya na... hindi ko lang ito inaasahan. Akala ko, akala ko sa paggising ko ay mukha ni Alex ang una kong makikita ngunit nagkamali ako. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman, nais kong intindihin ang nangyayari ngunit makasarili ako. Nasasaktan ako. Gusto ko ako ang nasa tabi ni Alex ngayon,” “G-Gusto ko siyang makita at mayakap at sabihin sa kaniya na m-miss na miss ko na siya n-na mahal na m-mahal ko siya. Pero bakit ganito ang nangyayari sa aming d-dalawa? H-hindi ba talaga kami p-puwede?” Awa ang nararamdaman ni Khia ngayon para kay Robin. Nang makita niya itong gising na at mabuti ang kalagayan ay talagang nagulat siya. Naghahanap pa lang si Maxis ng ibang paraan upang magising ito ngunit nang puntahan niya ang kaibigan sa silid kun

