Chapter 49 Hindi maipaliwanag ni Robin ang nararamdaman ngayon habang kausap niya ang kaniyang kapatid. Kung ganoon ay wala itong ideya tungkol sa nangyari sa pamilyang nag-alaga at nagmahal sa kaniya. Sa reaksyon nito na nakita, ang pagkagulat sa mukha nito at pag-awang ng mga labi ay ibig sabihin wala itong alam tungkol sa pagkamatay ng kaniyang kinilalang pamilya. “K-Kailan pa ito nangyari? Namuhay kang mag-isa sa mundo ng mga tao nang mawala sila?” tanong nito sa kaniya. Tumango siya at pinunasan ang mga luha na nalaglag sa kaniyang mga mata. Bumabalik unti-unti ang mga nangyari sa kaniyang ala-ala kung paano niya nalaman na wala na ang kaniyang mom at dad at kung paano lumaban si Kentarou ngunit hindi rin nito kinaya. “Nang mawala sila mom at dad pati na si Kentarou ay napilita

