Chapter 18 Nang marating ni Alex ang silid kung nasaan si Robin ay nakita niya si Daemon sa gilid at nakaupo sa sofa habang ang tatlong mga diwata naman ay natutulog sa tabi ni Robin. Nang Makita niya ang babaeng minamahal ay napangiti siya. Kaagad siyang lumapit rito at hinawakan ang kamay nito. “Alex.” Napatingin siya kay Daemon nang magsalita ito. “Ako na muna rito, puntahan mo na lang si Khia, sa tingin ko ay nagwawala na naman siya dahil kay Hermiliah.” Sabi niya. Tumango naman sa kaniya si Daemon at tinungo nito ang labas. Nang makalabas si Daemon ay ibinalik niya ang tingin kay Robin, hinawakan niya ang pisngi nito. Nararamdaman niya ang init ng palad ni Robin, ang init ng katawan nito kaya isa rin sa dahilan kung bakit hindi siya naniniwala na patay na ito ay dahil sa pa

