Chapter 4
Hindi makapaniwala ang lahat dahil sa narinig nila kay Maxis. Hindi maaaring mamatay ang prinsesa ng verthron, hindi maaaring mawala si Robin sa kanila. Marami ang nakakaalam na si Robin ang makakapagbigay ng kapayapaan sa mundo ng lost world at ito lamang ang sinasabi ng propesiya na magiging sagot sa lahat ng problema na nagaganap sa kanilang mundo.
“Hindi ako naniniwala, hindi... hindi maaari ito, alam kong buhay si Robin, buhay siya!” Alex shouted.
Nakayuko lamang ang mga nilalang na naroon sa silid na iyon, si Maxis na siyang sinubukan na tanggalin ang lason sa katawan ng prinsesa ay hindi rin kinaya ang itim na mahika ng isang black wizard at sumuka pa ito ng dugo. Ang tatlong diwata na nakasama ng mahal na prinsesa habang nasa lost world ito ay tumatangis sa balikat ni Jackson maski ang mga ito ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.
“Ikinalulungkot ko itong ibalita, hindi ko kagustuhan ito. Sinubukan kong tanggalin ang lason sa katawan ng mahal na prinsesa ngunit hindi ko na maramdaman ang kaniyang kaluluwa sa katawan na ito. Wala na akong magagawa pa.” Sabi ni Maxis at yumuko sa harap ng mga nilalang na nasa silid na iyon.
Si Alex na hindi makapaniwala ay nilapitan si Robin na akala mo natutulog lamang. Pinalilibutan si Robin ng mga iba’t-ibang klase ng mga bulaklak at sa itsura nito ay kahi sino ang makakita iisipin lamang na natutulog ito.
“Alex...” wika ni Meredith habang nakatingin sa anak.
Hindi makapaniwala ang lahat ng bigla na lamang lumuha si Alex habang hawak nito ang kanang kamay ni Robin. Hindi rin inaasahan ng mga kapatid nito na sinaAlejandro at Xandro ang nakikita sa nakatatanda nilang kapatid.
“I never thought this would happen to us, ni minsan hindi ko siya iniwalay sa paningin ko, sinubukan ko siyang protektahan hanggang sa buhay ko na ang kapalit. Hindi ko kayang mawalay sa kaniya at isang malaking pagsubok na ilang buwan kaming hindi nagkita,”
“Nagtiis ako ng ilang buwan, hinanap ko siya sa lahat ng lugar dito sa lost world, hinndi ako makapaniwala na sa ganitong tagpo kami muling magkikita.” Sabi niya.
Ipinikit ni Alex ang mga mata at muling tumulo ang mga luha niya. Hindi na niya inisip kung ano ang sasabihin ng mga nilalang na nakakakita sa kaniyang pag-iyak, ang nasa isip lamang niya ngayon ay si Robin, si Robin na sinasabi ni Maxis na wala na.
“Hindi ako naniniwala sa ‘yo.” Sabi niya at mariin na tumingin kay Maxis.
Kahit na nawala na ang nagkokonekta sa kanila ni Robin, kahit nawala na ang bond ay nararamdaman niyang buhay pa rin ito. Na buhay ito at hindi ito patay. Naroon pa rin ito sa kanila at nasa napakahimbing na pagtulog lamang.
“Alex, tama na... si Maxis ang itinuro ng matandang wizard hindi ba? Ayoko ring maniwala... hinid ako naniniwala pero siya ang mas nakakaalam ng tungkol dito lalo na sa lason na nasa katawan ni Robin.” Sabi ni Khia.
Umiling naman si Alex, hahanap siya ng paraan upang patunayan sa mga ito na hindi pa patay si Robin na buhay pa ito at nagkakamali si Maxis.
“Humihingi ako ng tawad, kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalan ko ito kung bakit nasa ganitong sitwasyon ang mahal na prinsesa.” Sabi ng prinsiper ng tharbun.
Hindi na nakapagpigil pa si Alex at tumayo siya at kinuwelyuhan ang prinsipe. Ang pulang mga mata niya ay nakatingin laman sa prinsiper ng tharbun habang ang kaniyang mga pangil ay nakalabas. Galit ang nararamdaman niya ngayon para rito at nais niya itong paslangin ngayon din mismo.
Wala itong karapatang ilayo sa kaniya ang babaeng minamahal niya dahil lang sa nais nitong protektahan si Robin. Walang sinuman ang makakapagprotekta dito kung hindi siya lang. Siya lang at wala nang iba.
“Alex! Tigilan mo iyan!” sigaw ni Aleiester sa kaniya nguni hindi ni Alex binitawan ang prinsipe ng tharbun.
Si Alejandro at Xandro naman ay hawak na ang magkabilang mga kamay ni Alex.
“Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mo, at tama ka, kasalanan mo ang lahat ng ito. Kasalanan mo dahil kung hindi mo ikinulong si ang babaeng minamahal ko sa kastilyo mo hindi mangyayari ito. Napakaraming araw ang lumipas, napakaraming nagdaan na araw para ipaliwanag mo sa kaniya ang nangyayari pero hindi mo ginawa,”
“Ikinulong mo siya sa kastilyo mo na parang pagmamay-ari mo! Ikinulong mo sia sa kastilyo mo hanggang sa naisip niya na isa kang kalaban na anumang oras ay tatapos sa kaniya!” sigaw ni Alex.
Ang tatlong mga diwata naman na sina Liva, Lica at Lixa ay lumipad papunta sa harapan ni Alex.
“A-Alam ng mahal na prinsesa na mabuti ang kalagayan niya sa kastilyo ngunit sinubukan pa rin naming tumakas dahil sa kagustuhan niyang makita ka, nag-aalala na sa iyo ang mahal na prinsesa, Alexander. Hindi na namin napigilan dahil hindi namain kaya ang gabi-gabing pagtangis nito dahil sa pangungulila sa iyo.” Sabi ni Liva.
“Tama tama tama, naaawa na kami sa mahal na prinsesa dahil labis na ang kaniyang kalungkutan na nararamdaman. Nais na niyang muling makasama ang susunod na hari ng mga bampira. Hindi na namin napigilan kaya’t tinulungan namin siyang tumakas. Kung mayroong dapat din na sisihin dahil sa nangyaring ito ay sisihin din ninyo kami.” Sabi ni Lica.
“Tama si Liva at Lica, kami ang tumulong na makatakas ang mahal na prinsesa sa kastilyo ng tharbun, kami rin ay may kasalanan kung bakit ito nangyari. Wala sana sa ganitong sitwasyon ang mahal na prinsesa kung hindi kami tumulong sa kaniya. Alam namin na mas delikado para sa kaniya na lumabas sa ng kastilyo pero tinulungan pa rin namin siya.” Sabi ni Lixa.
Naipikit ni Alex ang kaniyang mga mata nang marinig niya ang sinabi ng mga diwata. Ito ang nakasama ni Robin noong ma panahong nangungulila silang dalawa sa isa't-isa.
Kung nalaman ko lang sana ng mas maaga, hindi magiging ganito ang lahat.
"Hindi ninyo kasalanan, Liva, Lixa at Lica. Prinotektahan ninyo ang mahal na prinsesa at sinigurado ninyo na walang mangyayaring masama sa kaniya." sabi ni Nathalia.
Walang nagsalita pagkatapos non, maski si Alex ay hindi na rin nagsalita. Binitawan nito ang mahal na prinsipe ng tharbun at muling tumingin kay Robin. Nang bitawan ni Alejandro at ni Xandro ang kaniyang mga kamay ay nilapitan niya si Robin at hinalikan ito sa noo.
Hindi ako maniniwala, alam kong buhay ka, nararamdaman ko. Hindi ako maaaring magkamali.
Kahit ano pa ang sabihin ni Maxis ay hinding-hindi siya maniniwala na wala na si Robin, alam niya na narito pa ito at hahanap siya ng paraan upang muli itong magising.
Bago niya lisanin ang silid ay hinalikan niya ang magkabilang kamay ni Robin. Hinalikan rin niya ang mga labi nito pagkatapos ay nagsalita siya.
"Mahal kita, mahal na mahal, hahanap ako ng paraan. Hintayin mo ako." sabi niya ng mahina kay Robin.
Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay tinungo niya ang pinto.
“Alex! Saan ka pupunta?!” tanong ni Meredith sa kaniya.
Huminto siya sandali at nang lingunin niya ang ina ay malungkot siya ngumiti. Mayroon pang luha ang magkabila niyang mga mata.
“Pagod na pagod na ako sa mga nangyayari mom, si Robin ang pahinga ko, eh, si Robin ang lakas ko, hindi ko alam ang mangyayari sa akin ngayon pagkatapos ng lahat ng ito.”