FINAL CHAPTER Nang hindi bumalik si Alex kinabukasan ay hindi na mapakali si Robin. Nasa tabi naman niya palagi si Khia para pakalmahin siya. Nang makatanggap siya ng mensahe nang araw na iyon galling kay Alex na hindi kaagad ito makakauwi dahil sa dami ng inaasikaso ay bumuti-buti na ang kaniyang pakiramdam. Namalagi muna siya sa vampire’s haven at nakatanggap na siya ng liham sa kaniyang kapatid na sa susunod na buwan ay kailangan na niyang umuwi sa Verthron upang maipakilala na siya nito sa lahat ng nasasakupan nila. Nagpaalam si Alex na isang linggo pa itong mawawala at lagpas na iyon ng kabilugan ng buwan. Sinabi rin ni Alex sa liham na bumubuti na ang pakiramdam ni Hermiliah at pagkatapos ng isang linggo ay babalik na ito sa kaniya. Sa isip ni Robin ay mabilis lamang na lili

