Chapter 13 “Punyeta! Napakagaling mo talaga Nathalia! Napaniwala mo ako na patay ka na at ang anak na bunso ni Calliesper at Caroline! Napakagaling mo! Buwisit! Paano?! Paano mo naitakas ang bata?!” Dinig na dinig ang boses ni Khalisa sa buong gusali ng geriva ang lugar kung saan sila nagtatago kasama si Gandalf at ang iba pang mga black wizards at mga nilalang na tauhan nila. Hindi maipaliwanag ni Khalisa ang galit na nararamdaman niya ngayon nang malaman na nabuhay pa ng ilang taon ang bunsong anak ni Calliesper na si Prinseza Zoe Callie. Ang buong akala niya ay namatay na ito noong gabing iyon kasama si Nathalia. Nagbigay pa ng proweba ang isang black wizard na napaslang na ito kasama si Nathalia. Paano ito nakaligtas saan ito nagtago? Saan ito itinago ni Nathalia? “Ahh!!!” Sumi

