Pagkatapos namin mag-Almusal ay nagpahinga lang kami saglit at umalis na papunta sa shop kung saan nagtatrabaho sina Ate. Pagdating namin ay agad na naging abala sina Ate sa pag-aayos at pagbubukas sa shop. Ako na muna ang nag-alaga sa pamangkin kong si Sky para makapagtrabaho ng maayos si Ate. Pagkalipas ng ilang oras ay naisipan kong bumili ng pagkain sa labas para sa lunch namin kaya nagpaalam muna ako kay ate. “Ate, iiwan ko muna si Sky sayo. bibili lang ako ng lunch natin.” Wika ko at nilingon naman ni ate si Sky na naglalaro. “Osige. Mag-iingat ka at huwag kang magtatagal.” Tugon ni ate at tumango naman ako. “Sige ate.” Lumabas na rin ako agad at naghanap ng masasakyan. Ilang sandali lang ay may dumaan na jeep at agad din akong sumakay. Habang bumabyahe kami ay nakatingin lang ako sa

