Huminga naman ng malalim si Lance at nginitian ng tipid ang kanyang pinsan saka nilingon ulit si Janine. “Pumasok ka muna sa kwarto mo. Mag-uusap lang kami.” Utos niya at tumango naman ang dalaga at tumayo. “Maiwan ko muna kayo.” Paalam ni Janine sa binata at nginitian ito, ganun din si alex sa kanya at humakbang na ito papasok sa kanyang kwarto. Nakasunod lang na nakatingin sa kanya ang dalawang binata at nang makapasok na siya ay umupo naman si Lance sa kaharap na upuan ni Alex. “Why didn’t you call me that you’re coming here?” tanong ni Lance sa kanyang pinsan. “I Called at your office earlier but your secretary said you were not there. I was trying to call you but your number couldn’t be contacted so i just went here thinking that maybe you are here at home but i didn’t expect to see

