Matt's Point-of-View
Bakit ba naman kasi siya bigla bigla lang susulpot sa pintuan kung kelan ako lalabas! Bakit pa kasi magpapalate ang kakain lang naman!! Hayyss!! tapos ako pa yung magmumukhang masama dahil lang sa nabunggo ko siya.
Nagsorry ako sa kanya at sinubukang tulungan syang tumayo, pero ano ginawa niya? Hinawi lang naman niya ang kamay ako. Kainis talaga tong ugok na ito, siya na nga itong may kasalan siya pa magagalit, siya na nga rin ang tinutulungan, nagagalit pa rin! Iba na talaga!! HAYYYSSS!!
Nagpagpag siya sa harapan ko pero hindi pa rin tumitingin, sa tingin ko hindi niya pa rin alam na ako yung nakabunggo sa kanya kasi kung alam nya yun, magsusuplado na siya ng sobra.
Natapos siya sabay tingin sa akin. Akala ko magagalit na naman, pero iba ang naging reaksyon niya. Bigla siyang namula! Waaaah!! BAKIT?!! ANONG MERON!!?
Natapos na ang Physics. Sa tingin ko, gugunaw na ang mundo ko. Hindi ako makapagfocus dahil alam ko marami pa akong hindi alam, marami akong dapat balikan para lang makasabay sa nakakainis na klaseng ito. Sorry naman daw po kasi, hindi lang talaga mag sink in lahat ng inaaral ko mas lalo na't marami akong namiss. Ganun akong tao.
Ito na nga at dumating na si Sir Aral Pan. Pinatayo niya kami lahat dahil iaarrange nya daw ang upuan namin. WHAT? bakit ngayon lang?!
Nung sinabi niyang Alphabetical order daw at puro lalaki sa harap, isa lang ang pumasok sa isip. HALA!! Kung ganun ang magiging arrangement, isa lang ang ibig sabihin nito, magkatabi kami ni...
JOSH!!!
"Sarmiento, Josh Anthony!" ayun na nga't tinawag na ang pangalan niya.
"Ma'am!! ayy este Sir po pala." sigaw nito, hay naku, pati teacher ata balak pa ibully nitong ugok na ito.
"Sevilla, Matteo Robert." pagtawag niya sa pangalan ko.
Hayyyy, balaha na nga, siguro naman hindi magiging wild dahil katabi niya ako. Nung natapos na yung pag aarrange ng upuan. Bigla tumingin sa akin si Josh kaya napatingin ako.
Eye Contact...
Ewan ko ba, dahil parang may naramdaman ako sa balat ko, alam mo yung para kang kinuryente pero mahina lang, yung parang dulot ng excitement mo sa isang bagay. Medyo nanlaki mga mata niya tyaka sya namula. OO!! Namula ulit si UGOK!! Ewan ko ba kung bakit nagkakaganito siya. Ako naman ewan ko rin kung para saan yung naramdaman ko kanina. Ano ba ito?!! Wag mo sabihing...
Nevermind!! wag na lang isipin!! AYOKO MAG-ASSUME!!
Natapos na lahat ng klase, of course, hindi ako makakalabas agad kasi isa ako sa mga cleaners, hindi na ako pwedeng tumakas pa dahil tumakas ako kaninang tanghali. Kasama din si Josh nun since magkasunod ang pangalan namin sa listahan ng mga pangalan.
Hindi na siya namansin simula nung eye contact namin kanina. Haysss ewan ko ba, parang may iba sa kanya, or may pinaplano na naman siya kaya siya ganyan. Grrrrr! kinakabahan tuloy ako. Teka teka, bakit ba kasi lagi ko siyang iniisip, bakit ba kasi lagi kong iniisip na may gagawin siya sa akin!! HAAAYYY BUHAY!! Epekto siguro to nung mga pinaggagawa niya sa akin dati!!
Ayun oh!!! tapos na kami maglinis, isa lang ibig sabihin nito, pwede na kami umuwi. Nung saktong lalabas na ako may biglang tumawag.
"HOOY MATT!!" sabi nung tumatawag.
Nilingon ko yung tumatawag, OMG!! bigla ako kinabahan. Si Josh, papalapit at sersyoso ang mukha niya. Huh? Bakit pala ako kakabahan, seryoso naman mukha niya.. hindi naman mukhang gagawa na kalokohan.
"BAKIT?" tanong ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita, bigla na lang siya may inabot sa akin na mga papel, hindi ko alam, pero parang compilations ng kung ano. Ano to kalat??
"Para saan to?" tanong ko na medyo may pagdududa.
"Basta kunin mo na lang!! ang dami pang satsat eh!" sabi niya sa akin sa medyo inis na tono.
O.o
Ano kaya nakain nito?
Hindi ko na tinignan kung ano yung binigay niya, nilagay ko na lang ito agad sa bag ko dahil kailangan ko pa pumunta sa karenderya para tulungan si Lola Chiming.
Si Josh naman, pagkaabot na pagkaabot nung mga papel sa akin. Umalis na agad, wala man lang sinabi na kung ano pa, basta umalis na lang. Hayy bwiset talaga yun, hindi man lang magbago!! HAYYYYSSS!!
sa bahay..
Sinimulan ko na ang paggawa ng mga assignments, ako lang mag isa, hindi na kasi nag-uuuwi yung tatay kong magaling after kong ma-ospital, ang galing no? ganyan siya eh, wala na akong magagawa, basta wag lang sana siya uuwi dito para lang bugbugin ako.
Nung natapos ko na assignments ko, ilalagay ko na sana mga notebooks ko sa bag nang napansin ko yung binigay na compilation sa akin ni Josh. Tinignan ko kung ano ba talaga yung mga yun, syempre, alangan na titigan ko lang. At pagtingin ko..
O.o
Ano ito?! ang ganda ng sulat ah!! tapos chineck ko yung mga pages..
WOW totoo ba to?!!
Nagulat ako sa mga nakita ko, hindi ko ineexpect yung laman nung mga yun, akala ko kung ano na yung mga nandun, ayun pala..
Ayun yung mga notes sa mga lessons na namiss ko.
AYOS!! OVERTIME NA ITO!!!!
At habang binabasa ang mga iyon, biglang pumasok sa isip ko si Josh. Wow huh? meron talagang ganito? bakit niya kaya ginawa to? habang tinatanong ko sa sarili ko yun, inaalala ko yung mukha niya. Yung kanyang mga mata..
Bigla na naman ako nakaramdam ng parang kuryente.. ANO BA ITO!! ANO TONG NARARAMDAMAN KO!!
Hindi pwede!! hindi pwede!!
Iniyuko ko yung ulo ko dun sa mga notes na binigay ni Josh. Ano ito?!! nababading ata ako ah!!
Hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.